Linggo, Marso 4, 2018


OP#2  LAKBAY SANAYSAY
“PAGLALAKBAY”



 Noong Abril 20,2017, nangyari ang pinakamadugong at di malilimutang karanasan  sa pag akyat ng bundok sa nasugbu, batangas. Ang bundok na aming inakyat ay ang Mt. Batulao kasama ang aking tiyuhin at pinsan. Libre lamang ang pag akyat sa bundok batulao at ito ay tamang tama sa mga gustong mapalapit pa sa kanila ang kanilang sinisinta.
                Ang Mt. Batulao ay may taas na 813 m. Ang mga buwan na enero hanggang hulyo ay ang mga buwan na magagandang umakyat sa Mt. Batulao. Ang bundok na ito ay kalbo at wala masyadong puno, kaya ako’y hirap na hirap sa pag akyat. Ala sais kami nagsimulang maglakad papuntang paanan ng bundok, inabot kami ng dalawang oras bago naming marating ang paanan nito. Hindi ko akalain na napakatirik ng bundok na aming napagtanto, gusto ko nang sumuko noong araw na iyon dahil akoy labis na napapagod at tila wala pa kami sa kalhati ng bundok. Naisip ko sa isipan at puso ko na si god na ang bahala saakin kung mahulog man ako o mahimatay man ako. Awa ng diyos, narating naming ang pinakatuktok ng bundok na mahigit limang oras naming inakyat.
                Ayon nga sa mga sabi sabi “ Bago matikman ang sarap dadaan ka muna sa hirap”, dahil sa taas ng bundom matitikman mo ang sariwang hangin at mga magagandang view ng mga bundok. Sa lahat ng sitwasyon hinding hindi mo mararanasan ang sarap ng walang hirap. Kinakailangan mo munang paghirapan ang isang bagay bago mo ito makuha. Kaya mas mabuting humingi tayo sa nakakataas upang lugod niya tayong matulungan.

-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.

Sabado, Marso 3, 2018

OP #6: Liham Pasasalamat


579 Cabba Subdivision
Daang Amaya I
Tanza, Cavite
Ika-2 ng Marso, 2018

                       Gng. Joy Callos
                       Manager
                       Divine Grace Medical Center
                       Bacao, Cavite


                      Mahal na Ginang Callos:

                                     Pagbati!

                                     Ako po si Dianne Joy C. Leyba na lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtugon at pagtanggap sa akin sa inyong kompanya. Ako po ay nangangako na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang magampanan at magawa ng maayos ang aking mga tungkulin.

                                     Kayo po ay makakasiguro na magiging matapat at responsable ang aking mga tungkulin bilang isang Medical echnologist sa inyong kompanya.

                                      Muli, maraming salamat po,


Lubos na Gumagalang,



Dianne Joy C. Leyba


-LEYBA, DIANNE JOY C.



OP# 3 Pictorial Essay/ Larawang Sanaysay




"Ang aking Kaarawan"

Hulyo 15, 2017. Ang isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan. Ito ang araw ng aking kaarawan na kung saan hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Simula pa lamang ng mga araw na ito ay hindi na maalis sa aking mga labi ang aking mga ngiti. Sabi nila, isa daw ito sa pinaka masayang selebrasyon ng pagiging isang dalaga. Kasama ang aking pamilya, kaibigan, at mga mahal ko sa buhay na laging nandyan upang gabayan ako sa bawat desisyon na aking gagawin. Natuto ako kung paano pa mas maging matapang na tao, kung paano muling babangon sa mga pagkakataong humaharap sa mga problema. sa bawat mensahe na sinasabi saakin ng aing mga mahal buhay at aking mga kaibigan, ito ay tumatatak sa aking puso at maging sa aking isipan. Ito ay tungkol sa mga pangaral sa buhay na may kinalaman hanggang sa aking pagtanda. Masaya ako at hindi ito matutumbasan na kahit na anong materyal na bagay dahil ang mas importante saakin ay ang pagpaparamdam ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Sa tulong ng aking pamilya, walang imposible sa mga nangyayari noong araw na iyon, alam ko, na gumawa sila ng paraan para ako ay maging masaya. Hindi ko inaasahan na ito ay isa sanhindi ko malilimutang pangyayari at kaarawan sa aking buhay. Sa aking kaarawan na ito ay dito nagsimula ang aking pagiging isang dalaga o "legal age". Sa pagtatapos ng araw na ito ay nag iwan ako ng isang mensahe para sa aking mga kaibigan, mga mahal sa buhay na tatatak din sa kanilang puso at isipan.


LEYBA, DIANNE JOY C.
OP #2 Lakbay Sanaysay



"Mines View Park"


                       Ito ay isa sa pinaka sikat at pinaka binibisita ng mga turista sa baguio.Makikita rin dito ang The Mansion and Wright Park and The Cordillera Mountains. Ilan na lamang sa mga ginagawa rito ay ang pagbili ng mga pasalubong, at ang pagkuha ng mga litrato sa magagandang tanawin. Maaari din magsuot ng bahag, tapis para sa mga babae, at ang vest head dresses. Kalimitan binibili dito ay strawberry, ube jams, peanut and cashew brittle at marami pang iba tulad na lamang ng pagsakay sa kabayo.
                      Sa panahon ngayon, marami saatin ang gusto na makakita ng magagandang tanawin. Isa na dito ang Cordillera mountains na matatagpuan sa Mines View Park. Ang makikkita mo dito ay ang isang tahimik at sariwang hangin. Masasabi ko na ako ay namangha sa kalawakan ng mga bulubundukin ng Cordillera Mountain. Mga bundok at mga mahana ang makikita mo dito. Magagalang ang mga tao sa baguio. Sila rin ay matulungin at mapapagtanungan ng mga direksyon, tumawad sa mga paninda at makipag biruan. Maginaw dito at kinakailangan magdala ng jacket. May mga halaman, paintings, woodworks na tinda dito ngunit kung minsan ay mahal ang presyo. Sariwang sariwa ang hangin dito. Maari rin magpakuha ng litrato sa kabayo. Marami rin mga hotel na pwede matulugan at mga kainan na pwede puntahan dito. Makikita din dito ang St.  Bernards Dog na kung saan ito ay isa sa pinaka malaking aso. May mga igorot din na pwedeng magpakuha ng litrato upang mas mapangtangkilik pa ang ating kultura. Kalimitang namamasyal dito ay ang mga gustong magrelax dahil sa magagandang tanawin at sariwang hangin.
                    Ang Mines View Park ay ang pinaka magandang puntahan upang makita ang mga bundok at mga minahan. Bilang isa sa mga mamayang Filipino ay nararapat na tumangkilik tayo sa ating sariling kultura . Kaya naman dito matatagpuan din ang mga damit ng Igorot upang magpakuha ng litrato. sa pagpunta mo rito, masasabi ko ang pinaka masayang karanasan ko ay ang pagsakay ko sa kabayo dahil isa ito sa mga kakaiba na pwedeng gawin dito, Kasama ang buong pamilya, masasabi ko na ito ay isa sa magagandang puntahan upang makapag relax.

                                                        LEYBA, DIANNE JOY C.

Martes, Pebrero 27, 2018

OP#6 POETRY/TALUMPATI

MAGKAIBIGAN
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa
Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata
Sa bawat lihim na sulyap ay isang mahal kita na hindi mo nakuha
Di parin tanggap ang mga nakaguhit na linya

Nakakatawang isipin na walang kaalam alam
Na siya ang pinakaimportante sa buhay ko bukod sa pamilya ko
Ang inosente sa ngalan ng pag-ibig
Na sya's salarin sa pagbihag ng puso ko

Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan
Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit
Panaganip na sa pagdilat ko sana'y totoo
Pero hindi ako naniniwala sa hanggang dito nalang

Umaasa pa na sanay pwedeng humakbang
Nasa likod ko ang pader
At wala nakong iaatras pa dahil ako'y tao lang
At ang pag abante ang natitira kong galaw

Gusto kong humakbang kung anong meron tayo, meron nga ba?
Gusto kong higitan yung mga nagawa ko para sayo
Sana ako yung taong pinagbigyan mong magpapasaya sayo
Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat

Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat
Konting lapit ay luwas ng mabilis
Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating
Ilang luha ang naiyak mo na kailanman ay hindi manggagaling sa akin

At sa mga ngiti na sana ako ang sanhi
Hindi mo na napansin na ako'y nasaktan
Na habang buhay mag hihintay sa bakuran
At umaasa pa na sana'y pwede pang humakbang







-BATAIN, RENZ MICHAEL A.

OP#5 BIONOTE

                          Batain, Renz Michael A. Isinilang noong ika-dalawang put anim ng septiyembre taong 1999. Pangalawang anak nina Reysalino Batain at Marylinda Batain siya ay nagtapos ng elementarya sa florentino joya julugan elementary school. Sa kasalukuyan siya ay nasa ika-labing dalawang baitang ng saint augustine senior high school kumukuha ng science technology engineering and mathematics. Naghahandang kumuha ng entrance exam sa university of the east manila na may kursong computer engineering, hilig niya ang computer at magayos dahil masaya siya dito.Bukod dito hilig niya din ang pag babasketball, paglalaro ng ibang bagay at maglaro ng badmenton at magbasa ng mga libro tungkol sa mga bagay bagay.
                         Noong siya ay nasa ika pito hanggang sampung baitang ng hayskul naging parte siya ng arts club na kung saan ang mga estudyante ng paaralan ay aktibong nakikilahok sa mga event na nagaganap sa paaralan.
                         Pangarap niyang maging isang matagumpay na engineer dahil sa kagustuhan niyang makagawa at makatulong din sa kanyan pamilya at magkaron ng magandang kinabukasan at nais niyang makapagtapos ng kanyang pagaaral upang maipagmalaki din siya ng kaniyang magulang.









-BATAIN, RENZ MICHAEL A.
OP#4 Sintesis (Kronolohikal)

                        Ang paaralang Saint Augustine School ay ipinangalan sa santo ng Tanza,Cavite na si saint augustine na mas kilala na tata usteng. Ang layunin ng paaralang ito na makapag bigay ng isang kalidad ng pagtuturo at ang makakristyanong pang katoliko na edukasyon sa mga kabataan. Ang paaralan ng san agustin ay itinatag noong ikalabing apat ng pebrero taong isang libo siyam na raan at animnaput siyam. Itinatag ito ng dating pari ng tanza na si mosignor francisco v. domingo ang nais ng paaralang ito ay magkaroon ng edukasyon ng nakasentro sa ating panginoon. ito ay nagsimula sa maliit na klase hanggang sa lumaki at dumami ang pumasok dahil sa matagapumpay nlang pagtuturo at sa isang taon na ito nakapagtayo agad sila ng malaking komunidad at ang punong guro ng paaralang ito ay si ser angeles cabuting na sinundan ni Sr.Clemenia ranin natilde na pagkatapos nito ay pumalit naman si Sr.Maria Leonora bilang punong guro ng elementarya taong 1971 nagkaroon ng bagong taga pamahala ang paarang san augustin at yun ay si Fr.Luciano puguligan nang umalis si miss san juan ang pumalit sa kanya bilang punong guro ay si Fr.Corsie legaspi pagkatapos ng ilang taon ay pumalit si Sr.Terisita Octunio bilang punong guro na sinunduan naman ni miss villeta fernandez 1980. Pinalitan ni Rev.Fr.Teodoro bucalan and puwesto ng tagapamahala at si miss mercidita pacumio ang punong guro at sa pag lipas ng panahon nagkaron ng magandang edukasyon ang paaralang ito. At sa kasalukuyan at nakapag tayo ng pangalawang paaralan ang San Augustine na senior high school para sa mga taong gustong matuto at maraming malaman.





-BATAIN, RENZ MICHAEL A.