Martes, Marso 13, 2018

OP#2 Lakbay Sanaysay

Marahil marami sa maraming lugar na ang dinarayo dito sa Pilipinas at isa sa mga napuntahan ng karamihan ay ang Laguna. Ito ay karaniwan na dinarayo dahil sa bukod tangi nitong ganda lalo na pagdating sa atraksyon nito. Katulad na dito ang Enchanted Kingdom na pinuntahan namin mga kaibigan ko. Ito ay isa sa hindi ko malilimutan dahil ito ay pinakamasayang aral at ngayon lang ako nakapunta dito. Kung titignan natin na ang Laguna talaga ay kamangha mangha at hindi makakaila na ito ay maganda. Ito ang aking Lakbay Aral kasama ang aking mga kaibigan. Ako ay kasama dahil masaya ang aking kaibigan kapag kasama ako. Isa sa sinakyan ko na rides doon ay ang Space Shuttle. Naranasan ko doon ay ang takot at kaba at dahil doon, parang ayaw mo ng umulit dahil sa sobrang takot mo. Doon ay nagtungo kami sa isang rides sa Ek. Ito ay tinatawag na Ek Extreme. Marami ang natatakot dito. Naalala ko pa nga na minsan na din akong natakot sa rides na ito. Pero masaya dahil nakabuo kami ng panibagong magandang alaala. Pagkatapos mamasyal ay nagpahinga kami at kumain. Matapos non, kami ay pumunta sa isang hotel kung saan kami ay nagpahinga at doon nagpalipas ng gabi. Doon sa hotel ay nagkasiyahan kami, nagkuwentuhan at kulitan kung saan muli ay gumawa ng alaala. Kung ako siguro ay muling makakapunta dito, nanaisin kong maulit at idagdag ang mga karanasang hindi nangyari.






- Ryan Tafalla

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento