Sabado, Marso 10, 2018

OP#1 REPLEKTIBONG SANAYSAY

                                            KATATAPOS PALANG NG MIDTERM EXAM
                      Ang aking  napiling paksa ay patungkol sa katatapos lamang ng midterm exam na kung saan bago magsimula ang exam marami sa amin ang nagreview at ang hindi nag review. Hindi madali ang exam na aming kinuha sa ibat ibang asignatura sa aming paaralan . Mabuti ang resulata para sa mga nagrereview at hindi maganda para sa mga hindi nag review dahil pagkatapos ng exam iilan lamang ang nakapasa. Bakit nga ba kailangan nating mag aral bago kumuha ng exam? Para saan nga ba ito ?
                     Marami sa amin ang hindi nakapasa sa ibang asignatura marahil nahirapan, hindi alam ang gagawin o hindi nag handa kaya natapos ang exam marami ang bumagsak pero iilan ang nanghihinayang at gustong makapasa kaya pagkatapos ng exam marami sa amin ang gustong pumasa at isa ako doon na gustong makapasa sa susunod na pagsusulit. Ginagawa natin ito upang subukin ang ating utak sa mga napag-aralan at naituro ng ating guro, isinasagawa itong exam na ito upang malaman kung sino ang mga natututo sa mga hindi nag iintindi kaya matapos ang pagsusulit marami ang problemado na baka bumagsak sa ibat ibang asignatura ngunit hindi sila babagsak kung sila ay hindi nagpabaya at nahiintindi sa ibat ibang asignatura. Maraming aral ang makukuha natin kung tayo ay mabigo sa isang hamon o pagsubok tulad sa exam bumagsak tayo pero hindi ibigsabihen nito ay susuko na tayo at hindi muling babangon at babawi marahil ay pagkatapos ay mag aral ng mabuti upang sa susunod na pagsusulit na ating kukuhanin ay makapasa at hindi na mamroblema ng pagkatapos ng exam ay maging masaya dahil mayroon kang natutuhan sa exam.
                     Ang aking pananaw patungkol sa paksa na ito mas mabuting huwag baliwalain ang mga bagay bagay upang hindi magsisi sa huli marahil una pa lamang ay gawin itong tama ng pagkatapos ng hamon na ito hindi ka magsisi dahil hindi mo ito binigyang pansin dahil totoong nasahuli ang pagsisisi.





-BATAIN, RENZ MICHAEL A.
OP#7 POSISYONG PAPEL



       Ang posisyong papel na ito ay patungkol sa pagtaas ng bilang ng mga holdaper sa ating bansa dahil din ito sa padami ng padami ang ating populasyon at sanhi narin ng kahirapan. Dahil sa pag dami ng ating populasyon hindi lahat rito ay nasa maayos na estado , at dahil sa kahirapan dumarami ang bilang ng mga kaso tungkol sa panghoholdap at dahil narin wala silang sapat na alam sa pag aaral at ni minsan hindi nakapag aral kaya sa ganitong pamumuhay sila nasanay at kumukuha ng ikakapamuhay nila , dahil ang ating gobyerno ay hindi binibigyang pansin ang mga mahihirap sa kadahilanan na hindi sila nagbabayad ng buwis kaya hindi umuunlad ang bansa na ito, at sa pagtaas ng krimen sa ating bansa at dumarami ang kaso walang magawa ang ating pamahalaan kahit na ang ating kapulisan. Alam naman natin na lahat tayo ay pantay pantay sa mata ng diyos pero hindi sa mata ng pamahalaan sa bansang kinatatayuan natin sila ang may hawak sa ating kapalaran at tayo ang gagawa ng ating kapalaran kung bibigyang pansin ang mahihirap at bibigyang pagkakataon upang magkaroon ng kinabubuhay mababawasan ang bilang ng mga holdaper o maaaring mawala ang krimen sa ating bansa, at kahit na marami ang nakakagawa na dapat ay silang pumigil rito. At dahil narin sa kahirapan pumapasok nadin sila sa mga sindikato na involve ang malaking pera kaya imbis na maghanap ng trabaho mas pipiliin nilang magbenta ng droga. Hanggang ngayon hindi matapos tapos ang mga problemang ito dahil sa hindi pagpansin ng ating pamahalaan sa mga salat at mahihirap na tao na siyang sanhi sa paggawa ng masama na dapat ding bigyang pansin at tulungan upang mabago at para umunlad ang bansa.




-BATAIN RENZ MICHAEL A.

Huwebes, Marso 8, 2018

OP#4: APLIKASYON

579 Cabba Subdivision DaangAmaya I
                                                                                                        Tanza, Cavite
                                                                                                        Ika-19 ng Pebrero 2018


JOY CALLOS
Manager
Divine Grace Medical Center
Bacao, Cavite


Mahal na Ginang Callos:

          Pagbati!

          Ako po si Dianne Joy C. Leyba na nagtapos ng Bachelor of Science in Medical Technology sa Cavite State Univeristy Indang Campus taong 2018. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang nurse o anumang posisyon na nauukol sa aking kurso.

           Ang pagkakaroon ng karanasan sa anumang posisyon sa aking kurso ay aking ipagmamalaki upang makasiguro na ako po ay matiyaga at handang balikatin ang anumang responsibilidad na iaatang saakin sa inyong kompanya. 

          Sa kasalukuyan, ako po ay nakatira sa aking mga magulang sa 579 Cabba Sndivision Daang Amaya I tanza, Cavite

          Maraming salamat po sainyong pagtugon.


                                                                                                          Lubos na sumasainyo 

                                                                                                          DIANNE JOY C. LEYBA



-LEYBA, DIANNE JOY C..
OP#5: Panakip na Liham

DIANNE JOY C. LEYBA
579 Cabba Subdivision Daang Amaya I
Tanza, Cavite
Email: diannejoyleyba@gmail.com

EDUKASYON

Institusyon
Tinapos
Petsa
Cavite State Univeristy Indang Campus
Bachelor of Science Major in Medical Technology
Marso 2018
Saint Augustine School
Sekundarya
Marso 2014
Felipe Calderon Elementary School
Elementarya
Marso 2010

PROPESYONALISMONG KARANASAN
Institusyon
Posisyon
Petsa
Tanza Family Clinic
Pharmacist
2020-2022

MGA LAYUNIN SA BUHAY
-Naiisagawa nang maayos ang tungkulin sa trabaho at maisagawa ang mabuting pakikipagugnayan sa kapwa.
-Mabuting pag uugali sa taong nakakasalamuha lalo na sa pamilya at kaibigan.
-Makakuha ng  mataas na karangalan sa kompanya.

MGA KARANGALANG NATAMO
-Huwarang mag-aaral ng Medical Technology
-Honorable Mention 2018

SANGGUNIAN


Mrs. Ana Dela Rosa
Dekano
Cavite State Univeristy Indang Campus
(046)458-3332


Mrs. Marian Cruz
Tanza, Cavite
09057908867

Mr. Armando Dy
Assistant Manager
09175200129

LEYBA, DIANNE JOY C.

Miyerkules, Marso 7, 2018

OP#5:RESUME



PATRICK IVAN DE GUZMAN 
Blk.1 Lot 7 Buensuceso Homes, Biwas
Tanza, Cavite
Email:PIDG@yahoo.com

EDUKASYON

Institusyon
Tinapos
Petsa
Technological Institute of the Philippines
Bachelor of Science In Mechanical Engineer Major in Automotive
Marso 2018
Saint Augustine School
Sekundarya
Marso 2014
Felipe Calderon Elementary School
Elementarya
Marso 2010

PROPESYONALISMONG KARANASAN
Institusyon
Posisyon
Petsa
Jollibee Food House
Tanza, Cavite
Cashier
2014-2018

MGA LAYUNIN SA BUHAY
-Naiisagawa nang maayos ang tungkulin sa trabaho at maisagawa ang mabuting pakikipagugnayan sa kapwa.
-Mabuting pag uugali sa taong nakakasalamuha lalo na sa pamilya at kaibigan.
-Makakuha ng  mataas na karangalan sa kompanya.

MGA KARANGALANG NATAMO
-Honorable Mention 2018

SANGGUNIAN
Engr.Park Bo Young
Dekano
Technological Institute of the Philippines
Manila
Numero:09062345732

-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.



OP#4:APLIKASYON

Blk.1 Lot 7 Buensuceso Homes, Biwas
                                                                                                        Tanza, Cavite
                                                                                                        Ika-19 ng Pebrero 2018


C. KOBE LEBRON
Manager
Toyota Corporation
Paranaque, Manila 


Mahal na Ginoong Lebron:

          Pagbati!

          Ako po si Patrick Ivan R. De Guzman na nagtapos ng Bachelor of Science in Mechanical  Engineer Major in Automotive sa Technological Institute of the Philippines taong 2018. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang automotive o anumang posisyon na nauukol sa aking kurso.

           Ang pagiging working student ay maiipagmalaki upang makasiguro na ako po ay matiyaga at handang balikatin ang anumang responsibilidad na iaatang sa akin ng inyong kompanya, 

          Sa kasalukuyan, ako po ay  nakapisan sa aking tiyuhin na nakatira sa Blk. 1 Lot 7 Buensuceso Homes, Biwas, Tanza, Cavite.

          Maraming salamat po sainyong pagtugon.


                                                                                                          Lubos na sumasainyo 

                                                                                                          R. PATRICK IVAN DE GUZMAN



-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
OP#1: Replektibong Sanaysay


"Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral"


                         Isa sa pinaka hindi malilimutang pangyayari sa ating buhay ang maging isang mag-aaral. Dito natin masasakasihan ang mga bagay at mga pagkakataon na nagbibigay sa atin ng ala-ala. Hindi lamang sa ating mga kaibigan, maging sa ating mga guro na handang tumulong at walang sawang sumusuporta sa pag gabay sa ating maging daan sa ating magandang kinabukasan. Sa paglipas ng panahon ang mga pangyayaring ito ay siyang magiging ating karanasan bilang isang mag-aaral.
                          Mag-aaral. Walong letra at dalawang salita. Masasabi kong ang aking natatanging karanasan bilang mag-aaral ay ang mga panahong natuto akong mag mahal, magsaktan, magkaroon ng masasaya at malulungkot na pangyayari sa aking buhay. Natuto ako kung paano at ano ang kahalagahan ng edukasyon, Masasabi kong masaya dahil dito ko naranasan ang mga pangyayari na hinding hindi mapapantayan at magmamarka sa aking puso't isipan. Mga malulungkot na ala ala na nagbigay saakin ng aral upang mas maging matatag at maging matapang pa sa mga pagsubok na kakaharapin pa sa aking buhay. Masasabi kong nasubok dito ang aking pasensya, kakayahan sa mga bagay, at higit sa lahat ang pagpapahalaga sa aking pag-aaral dahil alam kong ito ang magiging daan upang maabot ang aking mga pangarap sa buhay. Simula sa ua hanggang sa huli, masasabi ko na ang pagigng isang mag-aaral ang pinaka hindi ko makakalmutan. Naranasan ko man tamadin sa pag-aaral ngunit ginagawa kong motibasyon ang aking mga magulang upang mabigyan ako ng magandang kinabukasan.
                     Masasabi kong tunay na naging parte nang aking buhay ang pagiging isang mag-aaral. Nararapat lamang na gamitin at buksan ang ating puso at isipan sa kahit anong bagay na maaring mangyari saatin. Kinakailangan natin ay ang lakas ng loob, at pagtitiwala sa ating sarili. Kasabay nito ang pagiging isang matatag na tao dahil hindi magiging madali ito kung hindi natin tutulungan ang ating mga sarili. Sipat at tiyaga lamang upang tayo ay magtagumpay. Matutuo tayong mag mahal at magpatawad sa kung ano man ang magiging pagsubok sa ating buhay.


                                                                                                   LEYBA, DIANNE JOY C.