Sabado, Marso 10, 2018

OP#7 POSISYONG PAPEL



       Ang posisyong papel na ito ay patungkol sa pagtaas ng bilang ng mga holdaper sa ating bansa dahil din ito sa padami ng padami ang ating populasyon at sanhi narin ng kahirapan. Dahil sa pag dami ng ating populasyon hindi lahat rito ay nasa maayos na estado , at dahil sa kahirapan dumarami ang bilang ng mga kaso tungkol sa panghoholdap at dahil narin wala silang sapat na alam sa pag aaral at ni minsan hindi nakapag aral kaya sa ganitong pamumuhay sila nasanay at kumukuha ng ikakapamuhay nila , dahil ang ating gobyerno ay hindi binibigyang pansin ang mga mahihirap sa kadahilanan na hindi sila nagbabayad ng buwis kaya hindi umuunlad ang bansa na ito, at sa pagtaas ng krimen sa ating bansa at dumarami ang kaso walang magawa ang ating pamahalaan kahit na ang ating kapulisan. Alam naman natin na lahat tayo ay pantay pantay sa mata ng diyos pero hindi sa mata ng pamahalaan sa bansang kinatatayuan natin sila ang may hawak sa ating kapalaran at tayo ang gagawa ng ating kapalaran kung bibigyang pansin ang mahihirap at bibigyang pagkakataon upang magkaroon ng kinabubuhay mababawasan ang bilang ng mga holdaper o maaaring mawala ang krimen sa ating bansa, at kahit na marami ang nakakagawa na dapat ay silang pumigil rito. At dahil narin sa kahirapan pumapasok nadin sila sa mga sindikato na involve ang malaking pera kaya imbis na maghanap ng trabaho mas pipiliin nilang magbenta ng droga. Hanggang ngayon hindi matapos tapos ang mga problemang ito dahil sa hindi pagpansin ng ating pamahalaan sa mga salat at mahihirap na tao na siyang sanhi sa paggawa ng masama na dapat ding bigyang pansin at tulungan upang mabago at para umunlad ang bansa.




-BATAIN RENZ MICHAEL A.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento