"Ang aking Kaarawan"
Hulyo 15, 2017. Ang isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan. Ito ang araw ng aking kaarawan na kung saan hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Simula pa lamang ng mga araw na ito ay hindi na maalis sa aking mga labi ang aking mga ngiti. Sabi nila, isa daw ito sa pinaka masayang selebrasyon ng pagiging isang dalaga. Kasama ang aking pamilya, kaibigan, at mga mahal ko sa buhay na laging nandyan upang gabayan ako sa bawat desisyon na aking gagawin. Natuto ako kung paano pa mas maging matapang na tao, kung paano muling babangon sa mga pagkakataong humaharap sa mga problema. sa bawat mensahe na sinasabi saakin ng aing mga mahal buhay at aking mga kaibigan, ito ay tumatatak sa aking puso at maging sa aking isipan. Ito ay tungkol sa mga pangaral sa buhay na may kinalaman hanggang sa aking pagtanda. Masaya ako at hindi ito matutumbasan na kahit na anong materyal na bagay dahil ang mas importante saakin ay ang pagpaparamdam ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Sa tulong ng aking pamilya, walang imposible sa mga nangyayari noong araw na iyon, alam ko, na gumawa sila ng paraan para ako ay maging masaya. Hindi ko inaasahan na ito ay isa sanhindi ko malilimutang pangyayari at kaarawan sa aking buhay. Sa aking kaarawan na ito ay dito nagsimula ang aking pagiging isang dalaga o "legal age". Sa pagtatapos ng araw na ito ay nag iwan ako ng isang mensahe para sa aking mga kaibigan, mga mahal sa buhay na tatatak din sa kanilang puso at isipan.
LEYBA, DIANNE JOY C.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento