Linggo, Marso 11, 2018

OP#1Isang natatanging karanasan bilang magaaral
Bilang isang magaaral, hirap gumising ng maaga, maglalakad papunta sa eskwelahan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang aking naranasan bilang magaaral. Natatandaan ko pa nung ako ay isang magaaral sa elementarya. Ako ay isang gusgusin na bata na walang alam kundi magbulakbol, umingay, makipagdaldalan, makipagsuntukan na walang iniintindi kundi ang ang sariling kasiyahan. Ito ang nagsilng tatak sa aking isipan. Noong nasa elementarya pa lamang, ako ay iniintindi pa ng magulang. Naalala ko noon na minsan na din akong napasali sa away ngunit ako ay nabugbog at pinatawag ang aking mga magulang. Kung iisipin, sa ngayon, ito ay nakakahiya at dumating na nga sa puntong pagbibinata at ito ay ang pagtungtong ko bilang estudyante ng high school, nagkaroon ng matalik na kaibigan, tumino at kinalimutan ang mga mapapait na nakaraan noong ako'y nasa elementarya pa lamang. Isang trahedya, ngunit masaya; pumasok ng maaga, sumakay patungong eskwelahan at makipagdaldalan na naman. Ito ang nagingkaranasan ko noong naging highschool ako. Naalala ko pa nga nung nagkagusto ako sa isang babae na ginawa kong inspirasyon pero hindi kami magkasundo at sa paglipa ng panahon, napagtanto ko na hindi ko na pala sya mahal at may dumating na isa. Ngunit ito pala ay pinsan ng nauna. Nakakatawa kung iisipin. May mga kaibigan ding naging kasama hanggang sa paglaki na minsan ay naging inspirasyon ko upang makapagtapos ng highschool. May mga masasaya nga namang ala-ala ngunit may mga poot din ang nakaraan kaya't ako ay natauhan ng tumuntong ako sa eskwelahang pinag aaralan ko ngayon na lalong naging masaya at dumami ang karanasan ko sa pagkakaibigan. At bilang mag aaral, ito ang masasayang ala-ala na tumatak sa aking isipan. Pero dapat na ding kalimutan at iwasan ang mga bagay na maaaring makahadlang sa ating mga minimithi at pinapangarap. Ngayon, panibagong pagsubok na naman ang dadaanan ko bilang mag aaral. -FERNANDEZ ALLEN JAY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento