Linggo, Marso 4, 2018


OP#2  LAKBAY SANAYSAY
“PAGLALAKBAY”



 Noong Abril 20,2017, nangyari ang pinakamadugong at di malilimutang karanasan  sa pag akyat ng bundok sa nasugbu, batangas. Ang bundok na aming inakyat ay ang Mt. Batulao kasama ang aking tiyuhin at pinsan. Libre lamang ang pag akyat sa bundok batulao at ito ay tamang tama sa mga gustong mapalapit pa sa kanila ang kanilang sinisinta.
                Ang Mt. Batulao ay may taas na 813 m. Ang mga buwan na enero hanggang hulyo ay ang mga buwan na magagandang umakyat sa Mt. Batulao. Ang bundok na ito ay kalbo at wala masyadong puno, kaya ako’y hirap na hirap sa pag akyat. Ala sais kami nagsimulang maglakad papuntang paanan ng bundok, inabot kami ng dalawang oras bago naming marating ang paanan nito. Hindi ko akalain na napakatirik ng bundok na aming napagtanto, gusto ko nang sumuko noong araw na iyon dahil akoy labis na napapagod at tila wala pa kami sa kalhati ng bundok. Naisip ko sa isipan at puso ko na si god na ang bahala saakin kung mahulog man ako o mahimatay man ako. Awa ng diyos, narating naming ang pinakatuktok ng bundok na mahigit limang oras naming inakyat.
                Ayon nga sa mga sabi sabi “ Bago matikman ang sarap dadaan ka muna sa hirap”, dahil sa taas ng bundom matitikman mo ang sariwang hangin at mga magagandang view ng mga bundok. Sa lahat ng sitwasyon hinding hindi mo mararanasan ang sarap ng walang hirap. Kinakailangan mo munang paghirapan ang isang bagay bago mo ito makuha. Kaya mas mabuting humingi tayo sa nakakataas upang lugod niya tayong matulungan.

-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.

1 komento:

  1. Hi. Isa po akong guro gusto ko sanang hingin yung approval mo na gawing halimbawa ito sa module na ginagawa ko. Salamat!

    TumugonBurahin