OP#3 SANAYSAY SA LARAWAN
Pamilya, sila ang mga taong hindi ka iiwan,
sila rin ang mga taong gagabayan ka sa tamang daan. Ang pagbabago ay wala
saatin kung hindi nakadepende sa ating pamilya natin. Ang pamilya an gating
araw araw na nakakasalamuha, kung kaya’t anong nakikita natin sakanila ay iyon
an gating madadala sa paglaki natin. Marami sa panahon ngayon na na uhaw na
uhaw sa pagmamahal ng kanilang pamilya na nagiging sanhi ng pagrerebelde at
pag-gawa ng di magagandang bagay. Kaya’t
mas maganda kahit di maganda ang kabuhayan basta’t buo ang pamilya,
nagmamahal at nagkakaisa.
Obligasyon
sa buhay na dapat gampanan, na hindi kailanman tinatalikuran, iyon ang pumasok
sa isipan ko noong pinasok ko ang obligasyon na ito. Ginarawa naming ang bagay
na ito dahil ito ang obligasyon na nabigay saamin galling sa nakakataas. Sa
buhay, tayo ay nilikha ng diyos dahil tayo ay may kaniya kaniyang obligasyon na
dapat gampanan, hindi tayo ginawa ng ating panginoon ng walang dahilan, dahil
lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan.
Kalikasan
na dapat ay araw araw alagaan. Kay gandang pagmasdan ang malinis at sariwang
kalikasan. Kay gandang manirahan sa ganitong uri ng lugar kaysa sa lugar na
punong puno ng istraktura at araw araw nagbubuga ng maiitim na usok galing sa
daan. Kay sarap balikan ang buhay na noon, mga panahong buong buo pa ang mga
bundok na aming inaakyat at buhay na buhay pa ang punong aming kinakapitan.
Kaya’t ating pahalagahan at alagaan ang ating kalikasan.
-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento