Sabado, Marso 10, 2018

OP#1 REPLEKTIBONG SANAYSAY

                                            KATATAPOS PALANG NG MIDTERM EXAM
                      Ang aking  napiling paksa ay patungkol sa katatapos lamang ng midterm exam na kung saan bago magsimula ang exam marami sa amin ang nagreview at ang hindi nag review. Hindi madali ang exam na aming kinuha sa ibat ibang asignatura sa aming paaralan . Mabuti ang resulata para sa mga nagrereview at hindi maganda para sa mga hindi nag review dahil pagkatapos ng exam iilan lamang ang nakapasa. Bakit nga ba kailangan nating mag aral bago kumuha ng exam? Para saan nga ba ito ?
                     Marami sa amin ang hindi nakapasa sa ibang asignatura marahil nahirapan, hindi alam ang gagawin o hindi nag handa kaya natapos ang exam marami ang bumagsak pero iilan ang nanghihinayang at gustong makapasa kaya pagkatapos ng exam marami sa amin ang gustong pumasa at isa ako doon na gustong makapasa sa susunod na pagsusulit. Ginagawa natin ito upang subukin ang ating utak sa mga napag-aralan at naituro ng ating guro, isinasagawa itong exam na ito upang malaman kung sino ang mga natututo sa mga hindi nag iintindi kaya matapos ang pagsusulit marami ang problemado na baka bumagsak sa ibat ibang asignatura ngunit hindi sila babagsak kung sila ay hindi nagpabaya at nahiintindi sa ibat ibang asignatura. Maraming aral ang makukuha natin kung tayo ay mabigo sa isang hamon o pagsubok tulad sa exam bumagsak tayo pero hindi ibigsabihen nito ay susuko na tayo at hindi muling babangon at babawi marahil ay pagkatapos ay mag aral ng mabuti upang sa susunod na pagsusulit na ating kukuhanin ay makapasa at hindi na mamroblema ng pagkatapos ng exam ay maging masaya dahil mayroon kang natutuhan sa exam.
                     Ang aking pananaw patungkol sa paksa na ito mas mabuting huwag baliwalain ang mga bagay bagay upang hindi magsisi sa huli marahil una pa lamang ay gawin itong tama ng pagkatapos ng hamon na ito hindi ka magsisi dahil hindi mo ito binigyang pansin dahil totoong nasahuli ang pagsisisi.





-BATAIN, RENZ MICHAEL A.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento