"Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral"
Isa sa pinaka hindi malilimutang pangyayari sa ating buhay ang maging isang mag-aaral. Dito natin masasakasihan ang mga bagay at mga pagkakataon na nagbibigay sa atin ng ala-ala. Hindi lamang sa ating mga kaibigan, maging sa ating mga guro na handang tumulong at walang sawang sumusuporta sa pag gabay sa ating maging daan sa ating magandang kinabukasan. Sa paglipas ng panahon ang mga pangyayaring ito ay siyang magiging ating karanasan bilang isang mag-aaral.
Mag-aaral. Walong letra at dalawang salita. Masasabi kong ang aking natatanging karanasan bilang mag-aaral ay ang mga panahong natuto akong mag mahal, magsaktan, magkaroon ng masasaya at malulungkot na pangyayari sa aking buhay. Natuto ako kung paano at ano ang kahalagahan ng edukasyon, Masasabi kong masaya dahil dito ko naranasan ang mga pangyayari na hinding hindi mapapantayan at magmamarka sa aking puso't isipan. Mga malulungkot na ala ala na nagbigay saakin ng aral upang mas maging matatag at maging matapang pa sa mga pagsubok na kakaharapin pa sa aking buhay. Masasabi kong nasubok dito ang aking pasensya, kakayahan sa mga bagay, at higit sa lahat ang pagpapahalaga sa aking pag-aaral dahil alam kong ito ang magiging daan upang maabot ang aking mga pangarap sa buhay. Simula sa ua hanggang sa huli, masasabi ko na ang pagigng isang mag-aaral ang pinaka hindi ko makakalmutan. Naranasan ko man tamadin sa pag-aaral ngunit ginagawa kong motibasyon ang aking mga magulang upang mabigyan ako ng magandang kinabukasan.
Masasabi kong tunay na naging parte nang aking buhay ang pagiging isang mag-aaral. Nararapat lamang na gamitin at buksan ang ating puso at isipan sa kahit anong bagay na maaring mangyari saatin. Kinakailangan natin ay ang lakas ng loob, at pagtitiwala sa ating sarili. Kasabay nito ang pagiging isang matatag na tao dahil hindi magiging madali ito kung hindi natin tutulungan ang ating mga sarili. Sipat at tiyaga lamang upang tayo ay magtagumpay. Matutuo tayong mag mahal at magpatawad sa kung ano man ang magiging pagsubok sa ating buhay.
LEYBA, DIANNE JOY C.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento