OP#2 Lakbay sanaysay
Marahil marami sa maraming lugar na ang dinarayo dito sa Pilipinas at isa sa mga napuntahan ng karamihan ay ang Baguio. Ito ay karaniwan na dinarayo dahil sa bukod tangi nitong ganda lalo na pagdating sa klima. Marahil marami naman ang magagandang tanawin sa Pilipinas ngunit ito ang napili ng aking kaibigan upang puntahan ito. Ito ay isa sa hindi ko malilimutan dahil ito ay pinakamasayang aral at ngayon lang ako nakapunta dito. Kung titignan natin na ang Baguio talaga ay kamangha mangha at hindi makakaila na ito ay maganda. Ito ang aking bakasyon kasama ang aking kaibigan at ang kanyang kamag anak. Ako ay kasama dahil masaya ang aking kaibigan kapag kasama ako. Isa sa pinakamatarik na bundok doon ay Benguet. Naranasan ko doon ay ang malamig na klima at dahil doon, parang ayaw mo ng maligo dahil sa sobrang lamig dito. Doon ay nagtungo kami sa isang magandang pasyalan sa Baguio. Ito ay tinatawag na Burnham Park. Marami ang mararanasan dito tulad na lang ng pag bibisikleta. Naalala ko pa nga na minsan na din akong nadisgrasya dahil nagkabungguan kami ng aking kaibigan. Pero masaya dahil nakabuo kami ng panibagong magandang alaala. Pagkatapos mamasyal ay nagpahinga kami at kumain sa isang sikat na karinderya. Matapos non, kami ay pumunta sa isang hotel kung saan kami ay nagpahinga at doon nagpalipas ng gabi. Doon sa hotel ay nagkasiyahan kami, nagkuwentuhan at kulitan kung saan muli ay gumawa ng alaala.
Kung ako siguro ay muling makakapunta dito, nanaisin kong maulit at idagdag ang mga karanasang hindi
nangyari. Nais kong isama ang aking pamilya para maranasan nila kung gaano kasaya pag nasa Baguio na.
-FERNANDEZ ALLEN JAY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento