OP# 3 Pictorial Essay
Kung iisipin, may mga katotohanan na hindi natin napapansin na ang lahat ay nagsisimula sa munting hakbang na kung saan ang aking sariling mga paa ang syang magdadala tungo sa aking kinabukasan. Kung saan ito ang magiging daan ko para ako ay magbago at ako ay natuto nang humakbang at makapaglakad. Ako na mismo ang gagawa ng aking sariling kapalaran. Ang pagbabago o hakbang tulad na lang ng paglalakad, kailangan ko munang matutong humakbang at nakadepende na ito kung nanaisin kong matutong magbago o hindi.
Sabi nga ng karamihan kapag natuto na tayong maglakad, tayo na mismo ang gumagawa ng sariling kapalaran natin. Tayo ay nangangarap na ng mataas, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang makamtan ang kanilang pangarap tulad ng mga taong nasa lansangan. Sila ay mga taong alam mong malabong makamit ang kanilang pangarap dahil wala silang pera kung kayat natuto silang magnakaw ng pera. Makikita na lang natin na ang mismong magulang pa nila ang nag uutos para gumawa ng masama. Pare pareho lang ang mga tao. May karapatan ring magbago. Maaaring matupad nila ang kanilang mga pangarap at maaari ring makapag aral sila sa maayos na paaralan para sila ay matuto at malaman kung ano ang tama. Sila ay mag uumpisa ng panibagong buhay dahil nasa lamdas na sila ng tama at pwede na silang mangarap ng mataas. Isang palaboy at magnanakaw na hindi akalaing nag aaral na upang makapagtapos.
Sila ay may karapatang magbago. Maaari na silang maging malaya kagaya na lang ng isang ibon. Ang isang bata na animoy naghahanap ng tira tirang pagkain, namamalimos at naglalakad ay hindi natin akalain na sila ay sasaya at makikitang naglalakad ng masaya patungo sa paaralan dahil alam nila na makakamtan na nila ang pagbabago. Walang masama sa pagbabago kung ito ay para sa kabutihan.
-FERNANDEZ ALLEN JAY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento