Sabado, Enero 27, 2018

SULATING BILANG 3

Ang kahulugan ng talumpati para sa akin ay ang pagsasalita sa harap ng maraming tao upang makapang hikayat at magbigay ng opinyon sa takapakinig . Ang mga mahahalagang salik na dapat bigyang diin sa pagsulat ng talumpati ay dapat ang paksang iyong pinili ay nakabatay sa iyong interes, karanasan at kaalaman. Mahalagang isaalang alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati dahil walang saysay ang pagtatalumpati kung walang masyadong makikinig. Ang uri ng tekstong aking napanood ay isang sinaulong talumpati. Mapupukaw mo ang iyong takapakinig kung ang iyong emosyon ay ibinibigay mo lahat ng buong buo sa iyong talumpati.

Ang spoken poetry ay isa ring talumpati subalit ang pinagkad ng iba lamang nilang dalawa ay pormal ang talumpati at ito’y madalas na ginagamit ng mga presidente. Ang spoken poetry naman ay isang di-pormal na talumpati at malaya mong mailalahad ang iyong nais na sabihin. Mahahalagang may mga tugma ang iyong sinasabi sa spoken poetry. Mahahalagang isaalang alang ang mga taga pakinig sa spoken poetry dahil upang madama nila ang iyong nararamdaman. Ang spoken poetry ay isang sinaulong talumpati at kinakailangan din ng diin ng boses upang makapukaw ng mga tagapakinig. At higit sa lahat pag lalahad ng emosyon sa pag sasalita para sa maraming tao.


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento