Lunes, Enero 22, 2018

OP#6: Posisyong Papel 

"Extrajudicial Killings" 


                       Marami sa ating kababayan ang nagtatanong kung may masama bang naidudulot ang extrajudicial killings sa ating bansa. Ito ay isa sa pinaka malaking isyu ngayon sa ating bansa, ang layunin nito sa ating lipunan ay bumaba ang mga krimen na nangyayari para sa kaligtasan ng ating bansa. Para sa akin, hindi maganda o hindi ako sumasangayon sa ganitong isyu dahil kahit na nagbibigay ito ng solusyon para masugpo ang kriminalidad at magkaroon ng kaligtasan sa ating bansa mula sa mga katiwalian ay hindi pa rin maiiwasan na madamay ang nga inosenteng tao dahil walang due-process ang nagaganap at agad agad silang pumapatay. May mga tao naman ang hindi nakakakuha ng tamang hustisya dahil sa maling parating at kahit na ang kanilang pamilya ay nadadamay. Marami sa atin ang ikinagalit ang nangyayaring extrajudicial killings sa ating bansa. Marahil na lamang na hindi direktang naimplimento ng ating Presidente na si President Duterte ang extrajudicial killings ay mayroong nauulat sa mga balita ang namamatay na ay drug-addict o kaya naman ay may mga pagyayaring palitan ng bala ang mga pulisya at mga taong nalulong daw sa droga. Batay sa isyu na ito, hindi dapat ipatupad ang extrajudicial killings sa kadahilanan na nasisira ang dignidad at ang tinatawag na human rights ng isang tao. Wala silang kakayahan na pumili ng sariling kagustuhan at nawawalan ng "rights" ang isang tao, ang karapatan mabuhay. Hindi ito isang moralidad na gawain. Hindi tama ang pumatay at kunin ang buhat ng isang tao. Dahil ito ay isa sa mga pangunahing utos ng ating panginoon. "Bawal pumatay" batay sa ikapitong utos o ang tinatawag na "Ten Commandments".

                                                                                            LEYBA, DIANNE JOY C.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento