Dianne Joy C. Leyba. Isinilang noong ika-labing lima ng Hulyo taong 1999. Unang anak nina Armando S. Leyba at Marian C. Leyba. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Felipe Calderon Elementary School na tinaguriang isa sa may karangalan sa akademya. Sa kasalukuyan, siya ay nasa ika labing dalawang baitang ng Saint Augustime School- Senior High kumukuha ng Science Technology Engineering and Mathematics o ang STEM Strand. Nag hahandang kumuha ng entrance exam sa Cavite State University Indang Campus na may kursong medisina. Hilig niya tumulong sa mga nangangailangan at may sakit sa abot ng kaniyang makakaya. Bukod dito hilig niya rin ang maglaro ng swimming na nakarating na rin siya ng WCSU at provincial meet, manuod ng mga pelikula at drama, magbasa ng mga libro ang ilan pa sa kanyang kinahihilihang gawain. Noong siya ay nasa ika pito hanggang sampung baitang ng hayskul ay naging parte siya ng "Campus Ministry" ang opisyal kung saan ang mga estudyante ng paaralan ay aktibong nakikilahok sa buong misyon ni Kristo na kung saan nag papahayag, nag lilingkod at nagpapabanal upang matugunan ang mga pangangailangan ng isang pamayanan at isang agustino upang makiisa sa misyon ng simbahan. Pangarap niyang maging isang matagumpay na doktor dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa may mga sakit ay ngangangailangan at nangangasiwa sa mga pasyenteng may sakit, mag rereseta ng mga gamot at humahanap ng solusyon sa isang partikular na sakit. Nais niyang makapagtapos ng kanyang pag-aaral hindi lamang para sa kanyang mga magulang kundi upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
LEYBA, DIANNE JOY C.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento