Sabado, Enero 20, 2018

            OP#7

“STRONGER BOND”
(POSISYONG PAPEL)

Inaasahan ngayon na ang isasagawang usapang pangkapayapaan  na ang paksa ay an winter Olympics, na kung saan mag bibigay daan sa iba pang usapin na patuloy na nag hihiwalay sa mag kaaway sa ilang dekada nang digmaan. Kapwa makikinabang at paglalapitin ang dalawang Korea ng isang tratadong pangkapayapaan. Papawiin din nito ang pangamba ng mga kalapit na bansa tulad ng Japan, China at Pilipinas g bantang nuclear na ipinagmamayabang ng North Korea.

                Nagkasundo rin ang America at South Korea na ipagpaliban ang kanilang taunang joint military exercises hanggang sa matapos ang winter Olympics. Ito ay marahil ang pangunahing usapin na nasa likod ng pagpyag ng North na negosasyon sa South. Sa darating na winter Olympics inaasahan ng sambayanang Pilipino na mas lalong titibay ang relasyon ng mga ibat ibang bansa. Inaasahan din na mas maidaraos ng mapayapa at matagumpay ang winter Olympics. Iminungkahi ng South na talakayi  din sa pag uusap ang usaping malapit sa puso ng maraming South Korean ang muling pagsasama sama ng mga pamilyang nagkahiwalay sa pagtapos noong digmaan.


                Ang mga bansa sa bahagi nitong mundo partikular ang Japan at China ay tiyak na natutuwa sa umuusad na inisyatibong pangkapayapaang ito. Hindi natin dapat kalimutan ang mga bansang tumulong saatin upang makapagpatayo tayo ng matitibay at malalaking istrakto. Sanay patuloy itong lumaganap sa ating mundo.


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento