Ang paaralang ng San Agustin ng Tanza ay ipinangalan sa ating santo ng bayan na si San Agustin kilala sa tawag na "Tata Usteng". Itinayo ang paaralang ito noong ika-labing apat siyam na raan at anim na put siyam ni Monsignor Francisco V. Domingo noong panahon na siya ay pari nh bayan nang simbahan ng Tanza. Dahil sa kagustuhan na magbigay nang magandang kalidad pinag-isipan ng paaralan na ito ay isang katolikong edukasyon para sa mga mamamayan upang mas malapit ang ating pananampalataya sa Diyos. Ito ay pormal na binuksan noong Hunyo taomg ikalabing siyam na raan at anim na put siyam at itinuro ang kinder at elementarya na mga mag-aaral. Ang unang punong guro ay si Sr. Clemencia Ranin. Ang paaralang ito at nangangasiwa na taga masid ng Dela Salle at sa mga misyon nito. Mula sa apa't na put estudyante at dalawang guro ito ay naging matagumpay Makalipas ang isang taon, ang pangunahing gusali ay itinayo sa tabi ng simbahan at isa pang gusali ay para sa sekondarya na edukasyon noong isang libo siyam na raan at pitong pu't isa. Natapos ito noong isang libo siyam na raan pitong pu't dalawa at pati na rin ang basketball court. Noong umalis si Sr. Ranin, Si Sr. Matilde ang sumunod na naging punong guro noong isang libo siyam na raan at pitong pu't isa. Namuno siya sa loob ng dalawang taon at si Sr. Mar Leonora ang punong guro naman noong isang libo pitong put dalawa hanggang sa isang libo pitong put tatlo. Sinundan ito ni Miss Patrocino San Juan at ang pag-alis ni Monsignor Francisco V. Domingo na isang pari ng simbahan at direktor ng paaralan. Ang logo ng San Agustin ay ginawa naman ni Norgin Molina na estudyante ni Mr. Justo A. Cabuhat. Ang simbolo na ito ay kilala sa paaralang San Agustin. Ang salita na nakapaloob rito ay ang latin na salita "SI POSSUNT CUR NON EGO" na sa Ingles ay "IF THEY CAN WHY CAN'T I" na kilala sa kasabihan ng paaralan na ang ibig sabihin ay kahusayan, kasiyahan, at paniniwala sa Diyos. Sa tulong ng Direktor ng paaralan na si Rev. Fr. Alain P. Manalo at sa punong guro na si Gng. Mercedita P. Pacumio at ang lahat ng kawari ng paaralan ng San Agustin ay nagkaroon ulit ng gusali para naman sa mga mag aaral ng Senior High School na matatagpuan sa Daang Amaya II na kilala sa tawag na Felipe Calderon Elementary School. Hindi man naging madali ito ngunit sa tulong ng ating mahal na patron na si Tata Usteng at sa gabay ng ating Poong may kapal ng mabigyan ng pagkakataon at maitayo ito noong labing anim na taon nais rin na mabigyan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kakayahanbsa akademikong larangan na may kursong Science Technology Engineering Mathematics (STEM, Accountancy Business Management (ABM), Humanities Social Science (HUMMS) Strand. Hanggang ngayon ay patuloy na tinataguyod at tumutulong sa mga mag-aaral upang mas maging matagumpay ang lahat ng ito sa tulong ng ating poong may kapal. Layunin ng paaralan na ito na magkaroon ng magandang edukasyon ang bawat mag-aaral na gusto at naghahangad ng magandang dekalidad sa pag-aaral. Sa tulong rin ng pangalawang punong guro na namamahala rin sa Senior High School na si Gng. Rowena Ocasion at sa tulong rin ng mga guro na walang sawang sumusuporta sa mga mag-aaral upang mabigyan ng magandang edukasyon at magandang kaugalian at sa lahat ng mga kawani at naging matagumpay ang lahat.
LEYBA, DIANNE JOY C.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento