Sabado, Enero 20, 2018

                                                                             OP#4:SINTESIS


Saint Augustine School
      (Kronolohikal)


Saint Augustine School ng tanza pinangalanan sa patron nng tanza na si Tata Usteng sa ingles ay Saint Augustine. Natagpuan ito noong Pebrero 14, 1969 ni Mansignor Francisco V. Domingo na isang parish priest noong araw na iyon. Ang Saint Augustine School ay isang sectarian na kung saan ang mga katoliko lamang ang pwedeng pumasok. Nagbukas ito noong Hunyo 1969, Kinder at baitang uno palamang ang nakatayo noong araw na iyon hanggang lumipas ang mga taon at ang mga gusali ay nagsitaasan at nadagdagan  na ng primarya at nag karoon nadin ng secondary. Ang Saint Augustine School ay dating De Lasalle Supervised, dahil sa galling ng mga guro noong araw na iyon. Noong 1971 ang secondary ay naitayo at natapos noong 1972. Si Sr. Angeles Gabutina ang unang principal ng Saint Augustine School at nasunda ni Sr. Clemencia Ranin, noong umalis si Sr. Ranin ito ay pinalitan ni Sr. Matilde noong 1971. Si Sr. Ma. Leonora naman ay naging principal ng elementary sa taong 1972 hanggang 1973, hanggang siya ay napalitan ni Ms. Patrocinio  San Juan. Taong 1975 nagpahinga si Monsigor Francisco V. Domingo na isang pari at School Director ng Saint Augustine School  Tanza. Hanggang sa taong 1975 at 1976 may usap usapan na si Fr. Luciano Pangilinan ang magiging bagong director ng Saint Augustine School. Lumipas ang mga taon at si Mercedita Pacumio ang tumayo noong 1989 bilang School Direktor ng Saint Augustine at hanggang sa taon na ito. 

-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento