Sabado, Enero 20, 2018

OP#1:“Ang pagsusulat ay umiinog sa mga paksa, tema o tanong na binibigyang kasagutan ng magaaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw”

             Alam naman natin na sa isang pag sulat ay umiirog sa mga tema o mga tanong na bibigyang kasagutan ng isang mambabasa , maraming kailangan sa paggawa ng isang sulatin hindi na dapat gumagawa ng basta-bastang sulatin dahil may tama itong proseso at sinusunod. Bakit ngaba tayo gumagawa ng isang sulatin? para saan ba ito? Hindi ba tayo napapatanong?

             Gumagawa tayo ng sulatin upang malayang mailahad ang ating mga nalalaman at mga karanasan sa mambabasa at mahalagang malaman ng isang mambabasa ang kagandahan ng iyong sinulat. Sa paggawa ng sulatin natutuhan nating gamitin ang tamang tema, salita at bantas dahil sa kasanayan sa pag sulat at dapat nailalahad natin ng tama ang mga impormasyong ating nakalap halimbawa sa isang pananaliksik kailangan nating maghanap ng impormasyon na gusto nating  malaman at kailangan hindi kopyahin dahil may batas tayo na bawal kumuha ng impormasyong hindi ilalagay ang totoong may ari rito dahil ito ay "plagiarsm" sa isang sulatin kailangang malaman at  pahalagahan ang tema,paksa at mga  tanong upang malinawan ang mambabasa at mas maintindihan ito at sa isang sulatin mas magandang unang basa palang mapukaw na ang atensyon  o damdamin ng mambabasa dahil may mga sulating hindi pinapahalagahan and paksa at kalikasan nauulit ang mga salita kaya tinatamad ang ibang mambabasa pero kung maganda at detalyado ang iyong sulatin mas madali mong mapupukaw ang damdamin ng mambabasa.

           Bago tayo gumawa ng sulatin alamin muna ang mga konsepto at kailangan gamitin sa paggawa ng sulatin at kailangan ay detalyado at nakaad ang iyong mga nalalaman at karanasan. Gumagawa tayo ng sulatin upang mahikayat ang ibang mambabasa sa iyong mga naranasan.

-BATAIN, RENZ MICHAEL, A.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento