Linggo, Enero 21, 2018

 
OP #2: ABSTRAK

             Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa polusyon ng ingay, o noise polution sa Ingles. Maari itong magmula sa tao, hayop, industriya, tranportasyon, at ilan pang bahagi ng lipunan na my kapasidad gumawa ng matindi at napakalakas na ingay. Layunin nito na maisagawa ang pananaliksik ukol samasamang epekto na naidudulot ng polusyon ng dahil isa ito sa mga bagay na kadalasan ay binabaliwa ng marami sa atin. dahil na rin iniisip nila hindi naman ito kasingkahalaga katulad ng ibang klase ng polusyon sa mundo. Sa pananaliksik na ito aymaipapaunawa ang tunay na kahalagahan ng pag-aaral ng mga snhi, suliranin at ibat ibang komplikasyon na maaring maidulot na poluson na ito upang mabigyang sagot ang mga katanungan ukol sa polusyon na ito at upang magsilbing paalala o babala sa mga taong patuloy pa rin binabaliwala ang tunay na kahalagahan ng sularin na ito. 
           Ang pag-aaral na to ay maaring nakatulong sa mga pribadong organisasyon at sa gobyerno dahl maari nilang magamit ang mga impormasyon na kaalaman ukol sa polusyon ng ingay upang ito ay maaksyunan at mabigyan ng solusyon. Ang kalahok sa pananaliksik na ito ay mag aaral ng saint Augustine School Poblacion I, sta. Cruz Tanza, Cavite ito ay nakapaloob sa asignatura na Araling Panlipunan 10. nais ng awtor ng pananaliksik na ito na maipaunawa sa mga mambabasa ang suliranin na lumalalang problema na dulot ng polusyon ng ingay at mabigyang solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik na ito dahil wala pa ring mga hakbang na naisasagawa ang gobyerno pang maslusyunan ang lumalalang problema ng polusyon ng ingay. Dahil na rin sa mga kadahilanang marami pa silang mas importante o mga bagay at suliranin na dapat pang ayusin sa bansa.


                                                                                          LEYBA, DIANNE JOY C.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento