"Ang pag sulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depede sa kanyang kaligiran, interes at pananaw"
Bilang isang mag-aaral ang pagsulat ay nakikitang yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan na may layuning maitala ang mga mensahe na maaring makuha o mabigyang kahulugan ang sino mang may alam sa wikang ginagamit. Ito ay isang layuning maipahayang ang mga nasa isipan natin. Ang pagsulat rin ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo, magbahaggi ng kaalaman upang makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan, komunikasyon, at paraan ng paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan ng pagsulat ang mga tao sa iba't ibang lugar at sa iba't ibang panahon ay nagkakaunawaan at nag kakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napapanatiling buhay sa pananagitan ng pag sulat. Natututunan natin ang kasaysayan ng ating lahi, paniniwala at mga kaisipan ng ating mga ninuno. Ang mga dapat nating malaman sa pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na nagbibigay kasagutan sa mga mag-aaral dahil ang pag sulat ay ang pagtataya ng mga bagay na nakikita o naririnig natin. Ito rin ang nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob ng mga tao. Iginagawa ito kung nais magpaabot ng mensahe, o balita o magpaliwanag, magpayo o makiusap. Sa tulong ng ating imahinasyon ng kaisipan ng bawat isa saatin ay may sapat na lakas ang nga salita na maipahayag ang ating kaligiran, interes, at pananaw dahil nararapat na nakapokus saatin ang pangangailangan ng manunulat na dapat ay malaya na maipahayag ang sarili gamit ang sariling pamamaraan. Sa pagsulat nakatutulong ang pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideya sa paraang tatanggapin ito ng mambabasa.
Layunin ng pagsulat ang makalikha ng makabuluhan at makagawa ng isang paksa na may sapat na kaalaman o impormasyon. Ang mga kaalaman o impormasyon at maaring galing sa aklat, dyaryo at iba pa. Dapat na malinaw ang isipan ng manunulat dahil malaki ang magiging epekto nito sa kanyang pagsulat. Dapat isinasaisip ng mamunulat na may nag iintetak sa kanyang sarili. Kailangan linangin din ng isang manunulat ajg kanyang interpersonal. Dapat alamin kung sino ang sinusulatan, ano ang maari o gustong malaman ng isang mambabasa.
LEYBA, DIANNE JOY C.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento