Sabado, Enero 27, 2018

Sulatin Bilang 5

Paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon:
1.Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang nag haggis ng balat ng saging upang madulas ang iyong kaklase ?
-sasaihin ko na kailanman hindi ako kumakain ng saging at wala siyang sapat na ebidensiya upang pagbintangan niya ako.
2.Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya subalit , pinagbibintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
-ihahambabalos ko sa pagmumukha niya ang wallet jk. J , sasabihin ko na kahit kailan wala akong intensyon na pagnakawan siya.
3.Ang iyong ama ay dating mayor ng inyong bayan ng nasangkot sa graft ang corruption kaya nang ikaw ay kumandidato bilang kapitan sa inyong komunidad ay inasukahan ka na isang magnanakaw.
-sasabihin ko sa aking mga tao na walang taong perpekto, lahat tayo may nagagawang mali, at itatama ko lahat ng nagawang mali ng aking ama.  

-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.


Sulatin Bilang 4

Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag unawa?
-Batay sa aking sariling pag unawa ang posisyong papel ay isang gawaing pagsulat na nililinang sa akademikong pagsusulat. Ito ay isang pagsulat ng sariling opinyon na may paninindigan.
Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argument sa pagsulat ng posisyong papel?
-dahil upang malaman ang nais na sabihin batay sa sinusuportahang impormasyon.
Ano ano ang nililinang na kasanayan sa pagsusulat ng posisyong papel?
-maraming mahahalagang element ng pagsusulat ng posisyong papel isa doon ang pag pili ng paksa na nakabatay sa interes at iba pa na sa tingin nyo na ikakaganda ng argument niyo.
Mahalaga bang isaalang alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
-oo , dahil upang maipahayag mo ang gusto mong maipahayag ukol doon sa tekstong iyong ginawa.
Balikan ang binasang posisyong papel. Pagkatapos , sagutin ang sumusunod ng mga tanong batay sa paninindigan ng sumulat.
Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?
-dapat na ibalik ang asignaturang Filipino bilang mandatory core sa kolehiyo.
Paano inilalahad ang opinyon sa posisyong papel?
-inilalahad ang mga negatibo na maaring mangyari.
Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu?
-nakasaad sa 1987 konstitusyon arikulo XIV seksiyon 6.
Ano ang naging konklusyon sa posisyong papel?
-dapat bigyang pansin din nating an gating kinagisnan ang wika ng bayan.
Ikaw, ano ang paninindigan sa isyu ?
-sumasangayon ako sa aking nabasa na dapat ilatag ang asignaturang Filipino sa ating bansa.


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
SULATING BILANG 3

Ang kahulugan ng talumpati para sa akin ay ang pagsasalita sa harap ng maraming tao upang makapang hikayat at magbigay ng opinyon sa takapakinig . Ang mga mahahalagang salik na dapat bigyang diin sa pagsulat ng talumpati ay dapat ang paksang iyong pinili ay nakabatay sa iyong interes, karanasan at kaalaman. Mahalagang isaalang alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati dahil walang saysay ang pagtatalumpati kung walang masyadong makikinig. Ang uri ng tekstong aking napanood ay isang sinaulong talumpati. Mapupukaw mo ang iyong takapakinig kung ang iyong emosyon ay ibinibigay mo lahat ng buong buo sa iyong talumpati.

Ang spoken poetry ay isa ring talumpati subalit ang pinagkad ng iba lamang nilang dalawa ay pormal ang talumpati at ito’y madalas na ginagamit ng mga presidente. Ang spoken poetry naman ay isang di-pormal na talumpati at malaya mong mailalahad ang iyong nais na sabihin. Mahahalagang may mga tugma ang iyong sinasabi sa spoken poetry. Mahahalagang isaalang alang ang mga taga pakinig sa spoken poetry dahil upang madama nila ang iyong nararamdaman. Ang spoken poetry ay isang sinaulong talumpati at kinakailangan din ng diin ng boses upang makapukaw ng mga tagapakinig. At higit sa lahat pag lalahad ng emosyon sa pag sasalita para sa maraming tao.


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
Sulatin Bilang 2

Pangalan:De Guzman, Patrick Ivan R.
Kapanganakan: Hulyo 20,2000
Ina:Evangeline P. Ronario
Ama:Arnold R. Antor
Tirahan:Biwas, Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon:Saint Augustine School
Mga Asignaturang kinawiwilihan:Math and Science
Mga Kinahihiligang Gawain: Magbasa
Mga natatanging Kasanayan:Mag ayos ng nasirang appliances
Pinapangarap na propesyon: Mechanical Engineer


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
Sulatin Bilang 1

Pamagat ng Paksa: Internship: kwentong loob ng taga labas
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng arts at literature, Diliman, Lungsod Quezon
Mahahalagang Impormasyon sa pag aaral: Sa abstrak na ito tinutukoy sa paksang ito ang mga etika ng mga doctor. Tinatalakay din ditto ang kaugnayan ng medisina sa panitikan.
Kahalagahan ng pag-aaral: Ang kahalagahan nitong pag aaral ay para matukoy ang mga positibo at ang mga negatibo na ugali ng isang medisina sa isang pasyente.
*Tungkol saan ang abstrak na binasa?
-Ito ay tungkol sa pag aaral ng proseso ng paghahanap ng koneksyong sa medisna at panitikan kung saan ang prosesong at pagsulat ng piksyon ay ginagamit bilang pamalat sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayag.
*Bukod sa nalalaman, ano pa ang pinagkaiba nila?
-Ang kanilang layunin sa pananaliksik at mga impormasyong kanilang nakalap at nalalaman.
*Alin ang mga abstrak sa sulatin ang higit mong nauunawaan ipaliwanag
-Ang abstrak na aking naunawaan ay ang gawa nil Isell a. aveorn at florentibo L. elic dahil ditto nakapaloob sa kanilang pananaliksik ang mga impormasyong at mga kasagutan at medaling malaman ng mambabasa ang nakapaloob ditto.


-DE GUZMAN PATRICK IVAN R.

Lunes, Enero 22, 2018

OP#7: Spoken Poetry


                                                                     "IKAW" 

Nakilala kita sa hindi ko malilimutang pagkakataon, 
Mga memoryang tinatangi-tangi ko hanggang ngayon, 
Mga sandaling kinubli, sinariwa, hindi ko maitapon.
Kahit alam kong iba na ang kahulugan ng "NGAYON"
Sa tamis ng "KAHAPON". 
Libo libong pangarap at sari saring mga plano 
Ngayong wala ka tinatanong ko, PAANO? 
Dahil hanggang ngayon sa puso ko, Nasayo pa rin ang trono.

Sa mga umagang tayo'y naghihintay sa araw na sisikat 
Mga panahong tayoy tumatawa,Ikaw, sandal saking balikat
Mga araw na ang salitang "TAYONG DALAWA ay nagsisilbing sapat. 
Kahit alam ng lahat na ang mali ay hindi magiging "DAPAT" 


Alang alang ikaw at ako na masaya, 
Gunitang ako at ikaw pero ika'y lumisan na
Alang-alang mahal kita, mahal mo ako pero hindi ka malaya
Gunitang tayo'y pinagtagpo pero tadhanay madaya. 
Sana'y hindi na sumikat ang araw
Para hindi ko na masilayan ang IKAW.


                             LEYBA, DIANNE JOY C.
OP#6: Posisyong Papel 

"Extrajudicial Killings" 


                       Marami sa ating kababayan ang nagtatanong kung may masama bang naidudulot ang extrajudicial killings sa ating bansa. Ito ay isa sa pinaka malaking isyu ngayon sa ating bansa, ang layunin nito sa ating lipunan ay bumaba ang mga krimen na nangyayari para sa kaligtasan ng ating bansa. Para sa akin, hindi maganda o hindi ako sumasangayon sa ganitong isyu dahil kahit na nagbibigay ito ng solusyon para masugpo ang kriminalidad at magkaroon ng kaligtasan sa ating bansa mula sa mga katiwalian ay hindi pa rin maiiwasan na madamay ang nga inosenteng tao dahil walang due-process ang nagaganap at agad agad silang pumapatay. May mga tao naman ang hindi nakakakuha ng tamang hustisya dahil sa maling parating at kahit na ang kanilang pamilya ay nadadamay. Marami sa atin ang ikinagalit ang nangyayaring extrajudicial killings sa ating bansa. Marahil na lamang na hindi direktang naimplimento ng ating Presidente na si President Duterte ang extrajudicial killings ay mayroong nauulat sa mga balita ang namamatay na ay drug-addict o kaya naman ay may mga pagyayaring palitan ng bala ang mga pulisya at mga taong nalulong daw sa droga. Batay sa isyu na ito, hindi dapat ipatupad ang extrajudicial killings sa kadahilanan na nasisira ang dignidad at ang tinatawag na human rights ng isang tao. Wala silang kakayahan na pumili ng sariling kagustuhan at nawawalan ng "rights" ang isang tao, ang karapatan mabuhay. Hindi ito isang moralidad na gawain. Hindi tama ang pumatay at kunin ang buhat ng isang tao. Dahil ito ay isa sa mga pangunahing utos ng ating panginoon. "Bawal pumatay" batay sa ikapitong utos o ang tinatawag na "Ten Commandments".

                                                                                            LEYBA, DIANNE JOY C.
OP#5:  BIONOTE



                        Dianne Joy C. Leyba. Isinilang noong ika-labing lima ng Hulyo taong 1999. Unang anak nina Armando S. Leyba at Marian C. Leyba. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Felipe Calderon Elementary School na tinaguriang isa sa may karangalan sa akademya. Sa kasalukuyan, siya ay nasa ika labing dalawang baitang ng Saint Augustime School- Senior High kumukuha ng Science Technology Engineering and Mathematics o ang STEM Strand. Nag hahandang kumuha ng entrance exam sa Cavite State University Indang Campus na may kursong medisina. Hilig niya tumulong sa mga nangangailangan at may sakit sa abot ng kaniyang makakaya. Bukod dito hilig niya rin ang maglaro ng swimming na nakarating na rin siya ng WCSU at provincial meet, manuod ng mga pelikula at drama, magbasa ng mga libro ang ilan pa sa kanyang kinahihilihang gawain. Noong siya ay nasa ika pito hanggang sampung baitang ng hayskul ay naging parte siya ng "Campus Ministry" ang opisyal kung saan ang mga estudyante ng paaralan ay aktibong nakikilahok sa buong misyon ni Kristo na kung saan nag papahayag, nag lilingkod at nagpapabanal upang matugunan ang mga pangangailangan ng isang pamayanan at isang agustino upang makiisa sa misyon ng simbahan. Pangarap niyang maging isang matagumpay na doktor dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa may mga sakit ay ngangangailangan at nangangasiwa sa mga pasyenteng may sakit, mag rereseta ng mga gamot at humahanap ng solusyon sa isang partikular na sakit. Nais niyang makapagtapos ng kanyang pag-aaral hindi lamang para sa kanyang mga magulang kundi upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

                                                                                                            LEYBA, DIANNE JOY C.
OP#4 Sintesis (Kronolohikal)




                              Ang paaralang ng San Agustin ng Tanza ay ipinangalan sa ating santo ng bayan na si San Agustin kilala sa tawag na "Tata Usteng". Itinayo ang paaralang ito noong ika-labing apat siyam na raan at anim na put siyam ni Monsignor Francisco V. Domingo noong panahon na siya ay pari nh bayan nang simbahan ng Tanza. Dahil sa kagustuhan na magbigay nang magandang kalidad pinag-isipan ng paaralan na ito ay isang katolikong edukasyon para sa mga mamamayan upang mas malapit ang ating pananampalataya sa Diyos. Ito ay pormal na binuksan noong Hunyo taomg ikalabing siyam na raan at anim na put siyam at itinuro ang kinder at elementarya na mga mag-aaral. Ang unang punong guro ay si Sr. Clemencia Ranin. Ang paaralang ito at nangangasiwa na taga masid ng Dela Salle at sa mga misyon nito. Mula sa apa't na put estudyante at dalawang guro ito ay naging matagumpay Makalipas ang isang taon, ang pangunahing gusali ay itinayo sa tabi ng simbahan at isa pang gusali ay para sa sekondarya na edukasyon noong isang libo siyam na raan at pitong pu't isa. Natapos ito noong isang libo siyam na raan pitong pu't dalawa at pati na rin ang basketball court. Noong umalis si Sr. Ranin, Si Sr. Matilde ang sumunod na naging punong guro noong isang libo siyam na raan at pitong pu't isa. Namuno siya sa loob ng dalawang taon at si Sr. Mar Leonora ang punong guro naman noong isang libo pitong put dalawa hanggang sa isang libo pitong put tatlo. Sinundan ito ni Miss Patrocino San Juan at ang pag-alis ni Monsignor Francisco V. Domingo na isang pari ng simbahan at direktor ng paaralan. Ang logo ng San Agustin ay ginawa naman ni Norgin Molina na estudyante ni Mr. Justo A. Cabuhat. Ang simbolo na ito ay kilala sa paaralang San Agustin. Ang salita na nakapaloob rito ay ang latin na salita "SI POSSUNT CUR NON EGO" na sa Ingles ay "IF THEY CAN WHY CAN'T I" na kilala sa kasabihan ng paaralan na ang ibig sabihin ay kahusayan, kasiyahan, at paniniwala sa Diyos. Sa tulong ng Direktor ng paaralan na si Rev. Fr. Alain P. Manalo at sa punong guro na si Gng. Mercedita P. Pacumio at ang lahat ng kawari ng paaralan ng San Agustin ay nagkaroon ulit ng gusali para naman sa mga mag aaral ng Senior High School na matatagpuan sa Daang Amaya II na kilala sa tawag na Felipe Calderon Elementary School. Hindi man naging madali ito ngunit sa tulong ng ating mahal na patron na si Tata Usteng at sa gabay ng ating Poong may kapal ng mabigyan ng pagkakataon at maitayo ito noong labing anim na taon nais rin na mabigyan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kakayahanbsa akademikong larangan na may kursong Science Technology Engineering Mathematics (STEM, Accountancy Business Management (ABM), Humanities Social Science (HUMMS) Strand. Hanggang ngayon ay patuloy na tinataguyod at tumutulong sa mga mag-aaral upang mas maging matagumpay ang lahat ng ito sa tulong ng ating poong may kapal. Layunin ng paaralan na ito na magkaroon ng magandang edukasyon ang bawat mag-aaral na gusto at naghahangad ng magandang dekalidad sa pag-aaral. Sa tulong rin ng pangalawang punong guro na namamahala rin sa Senior High School na si Gng. Rowena Ocasion at sa tulong rin ng mga guro na walang sawang sumusuporta sa mga mag-aaral upang mabigyan ng magandang edukasyon at magandang kaugalian at sa lahat ng mga kawani at naging matagumpay ang lahat.

                                                                                               LEYBA, DIANNE JOY C.

Linggo, Enero 21, 2018


OP#3: Sintesis


     "Titser Annie"

                         Ayon sa mga naintindihan ko sa aking napanood na dokumentaryo kahapon na ipinalabas na patungkol sa isang guro na nagngangalang annie na nagtuturo sa mga mangyan sa sitio labo mindoro na sa kabila ng hirap sa araw araw na paglalakad ay tinitiyaga ito ni titserr annie upang maturuan ang mga batang mangyan. Si titser annie ay isang guro dati sa isang pribadong paaralan na maganda at madaling puntahan at ngayon siya ay guro na sa public malayo ang tirahan ng mga mangyan na sa kabila ng layo ay tinatawid ni titser annie ang labing anim na ilog bago makarating sa sitio labo ng sa kabila ng layo hindi mo aakalaing may mga nakatira pa pala rito. Bibihira ito sa isang guro dahil si titser annie pumasok sa pagiging guro dahil sa sahod pero nang magturo siya sa mga mangyan iba ang naramdaman niya na masaya siya ginagawa niya dahil napapasaya niya ang mga mangyan at nagtuturo mula kinder hanngang ikatlong baitang, samantalang ang kanyang kapwa titser na si kristel ay ika apat hanggang anim na baitang at sa dekomentaryo may isang estudyante na tinuturan na dalaga na nagngangalang dina hindi nito tinapos ang klase at umalis agad ito sinundan ito ng nag dodokumentaryo hanggang makarating sa kanilang bahay at pagdating doon nakita ko ang kanyang ina na may sakit at tanging si dina lang ang gumagawa ng paraan para mabuhay sila si dina ay nag tatrabaho sa isang sagingan na kailangan niyang bumaba pa ng kanilang bayan upang ibenta sa dalawang oras  na paglalakad at habang tirik na tirik ang araw hindi manlang siya nagreklamo hindi ininda ang init dahil puro sya ng pagpupursigi at sa ilang oras na paglalakad at bigat ng saging tanging 140 pesos lamang ang kanyang kinita na kulang pa para pambili ng kanilang kailangan sa araw araw.

                               Sa dokumentaryong ito ipinapakita ang reyalidad . Natutuhan kong pahalagahan ang bawat bagay na mayroon ako ngayon dahil masuwerte ako na nabuhay ako rito sa komunidad na payapa,sagana at hindi doon.


                                                                                         -BATAIN, RENZ MICHAEL, A.
 
OP #2: ABSTRAK

             Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa polusyon ng ingay, o noise polution sa Ingles. Maari itong magmula sa tao, hayop, industriya, tranportasyon, at ilan pang bahagi ng lipunan na my kapasidad gumawa ng matindi at napakalakas na ingay. Layunin nito na maisagawa ang pananaliksik ukol samasamang epekto na naidudulot ng polusyon ng dahil isa ito sa mga bagay na kadalasan ay binabaliwa ng marami sa atin. dahil na rin iniisip nila hindi naman ito kasingkahalaga katulad ng ibang klase ng polusyon sa mundo. Sa pananaliksik na ito aymaipapaunawa ang tunay na kahalagahan ng pag-aaral ng mga snhi, suliranin at ibat ibang komplikasyon na maaring maidulot na poluson na ito upang mabigyang sagot ang mga katanungan ukol sa polusyon na ito at upang magsilbing paalala o babala sa mga taong patuloy pa rin binabaliwala ang tunay na kahalagahan ng sularin na ito. 
           Ang pag-aaral na to ay maaring nakatulong sa mga pribadong organisasyon at sa gobyerno dahl maari nilang magamit ang mga impormasyon na kaalaman ukol sa polusyon ng ingay upang ito ay maaksyunan at mabigyan ng solusyon. Ang kalahok sa pananaliksik na ito ay mag aaral ng saint Augustine School Poblacion I, sta. Cruz Tanza, Cavite ito ay nakapaloob sa asignatura na Araling Panlipunan 10. nais ng awtor ng pananaliksik na ito na maipaunawa sa mga mambabasa ang suliranin na lumalalang problema na dulot ng polusyon ng ingay at mabigyang solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik na ito dahil wala pa ring mga hakbang na naisasagawa ang gobyerno pang maslusyunan ang lumalalang problema ng polusyon ng ingay. Dahil na rin sa mga kadahilanang marami pa silang mas importante o mga bagay at suliranin na dapat pang ayusin sa bansa.


                                                                                          LEYBA, DIANNE JOY C.





OP #1
"Ang pag sulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depede sa kanyang kaligiran, interes at pananaw"


                Bilang isang mag-aaral ang pagsulat ay nakikitang yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan na may layuning maitala ang mga mensahe na maaring makuha o mabigyang kahulugan ang sino mang may alam sa wikang ginagamit. Ito ay isang layuning maipahayang ang mga nasa isipan natin. Ang pagsulat rin ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo, magbahaggi ng kaalaman upang makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan, komunikasyon, at paraan ng paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan ng pagsulat ang mga tao sa iba't ibang lugar at sa iba't ibang panahon ay nagkakaunawaan at nag kakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napapanatiling buhay sa pananagitan ng pag sulat. Natututunan natin ang kasaysayan ng ating lahi, paniniwala at mga kaisipan ng ating mga ninuno. Ang mga dapat nating malaman sa pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na nagbibigay kasagutan sa mga mag-aaral dahil ang pag sulat ay ang pagtataya ng mga bagay na nakikita o naririnig natin. Ito rin ang nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob ng mga tao. Iginagawa ito kung nais magpaabot ng mensahe, o balita o magpaliwanag, magpayo o makiusap. Sa tulong ng ating imahinasyon ng kaisipan ng bawat isa saatin ay may sapat na lakas ang nga salita na maipahayag ang ating kaligiran, interes, at pananaw dahil nararapat na nakapokus saatin ang pangangailangan ng manunulat na dapat ay malaya na maipahayag ang sarili gamit ang sariling pamamaraan. Sa pagsulat nakatutulong ang pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideya sa paraang tatanggapin ito ng mambabasa. 
              Layunin ng pagsulat ang makalikha ng makabuluhan at makagawa ng isang paksa na may sapat na kaalaman o impormasyon. Ang mga kaalaman o impormasyon at maaring galing sa aklat, dyaryo at iba pa. Dapat na malinaw ang isipan ng manunulat dahil malaki ang magiging epekto nito sa kanyang pagsulat. Dapat isinasaisip ng mamunulat na may nag iintetak sa kanyang sarili. Kailangan linangin din ng isang manunulat ajg kanyang interpersonal. Dapat alamin kung sino ang sinusulatan, ano ang maari o gustong malaman ng isang mambabasa.

                                                                                                LEYBA, DIANNE JOY C.

Sabado, Enero 20, 2018

            OP#7

“STRONGER BOND”
(POSISYONG PAPEL)

Inaasahan ngayon na ang isasagawang usapang pangkapayapaan  na ang paksa ay an winter Olympics, na kung saan mag bibigay daan sa iba pang usapin na patuloy na nag hihiwalay sa mag kaaway sa ilang dekada nang digmaan. Kapwa makikinabang at paglalapitin ang dalawang Korea ng isang tratadong pangkapayapaan. Papawiin din nito ang pangamba ng mga kalapit na bansa tulad ng Japan, China at Pilipinas g bantang nuclear na ipinagmamayabang ng North Korea.

                Nagkasundo rin ang America at South Korea na ipagpaliban ang kanilang taunang joint military exercises hanggang sa matapos ang winter Olympics. Ito ay marahil ang pangunahing usapin na nasa likod ng pagpyag ng North na negosasyon sa South. Sa darating na winter Olympics inaasahan ng sambayanang Pilipino na mas lalong titibay ang relasyon ng mga ibat ibang bansa. Inaasahan din na mas maidaraos ng mapayapa at matagumpay ang winter Olympics. Iminungkahi ng South na talakayi  din sa pag uusap ang usaping malapit sa puso ng maraming South Korean ang muling pagsasama sama ng mga pamilyang nagkahiwalay sa pagtapos noong digmaan.


                Ang mga bansa sa bahagi nitong mundo partikular ang Japan at China ay tiyak na natutuwa sa umuusad na inisyatibong pangkapayapaang ito. Hindi natin dapat kalimutan ang mga bansang tumulong saatin upang makapagpatayo tayo ng matitibay at malalaking istrakto. Sanay patuloy itong lumaganap sa ating mundo.


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.  
OP#6:SPOKEN WORD

“INA"
(SPEECH POETRY) 

Sa pagmulat palang ng aking mga mata ikay nakita
Hindi ko madama na sa akin ay tumama
Oras oras mo kong inaalagaan
Minuminuto mo kong tinitingnan
At segusegundo mo akong inaalalayan
At ikaw ina, ikaw ang unang umalalay saakin
Noong hindi ko maihakbang ang isa kong paa
Ikaw rin ang kaisaisang taong unang nag sabi saaakin na  “anak mahal kita”
Lumipas ang mga taon at
Hindi ko pa din makalimutan ang mga alaala mo saakin moy ibinaon
Hanggang sa paglaki ko’y ako iyoy paring inaalagaan at
Patuloy na ipinapadama ang tunay na diwa ng pagmamahalan.
Kaya ina salamat.
Salamat sa mga oras na akoy iyoy inaaalagaan.
Salamat sa mga oras na akoy iyoy binabantayan.
At salamat sa mga oras na akoy iyoy tinitingna.
At ngayon oras na
Oras na kung saan ako na ang mag aalaga sayo.
Oras na kung saan ako na ang titingin sayo.
Oras na kung saan ako na ang aalalay sayo.
At ang oras na kung saan ipapadama ko sayo
Ang pagmamahal na ipinadama mo noong bata pa ako.
Kaya ina maraming salamat sa lahat lahat.
Hindi ako titigil na ipadama sayo at sabihin na

“ina mahal kita”


-DE GUZMAN PATRICK IVAN R. 

OP#5:BIONOTE

BIONOTE

Si Patrick Ivan R. De Guzman  ay ipinanganak noong Hulyo 20, 2000  na may edad na 17 anyos. Anak siya nina Evangeline P. Ronario at Arnold R. Antor. Siya ay kasalukayang nakatira sa Biwas, Tanza, Cavite at nag aaral sa paaralang Saint Augustine School. Mahilig siya sa asignaturang Mathematics at Science, mahilig din siya magbasa at magayos ng mga nasirang appliances sa kanilang bahay. Pangarap niyang maging isang Professional Mechanical Engineer at makatulong sa Pamilya.


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
                                                                             OP#4:SINTESIS


Saint Augustine School
      (Kronolohikal)


Saint Augustine School ng tanza pinangalanan sa patron nng tanza na si Tata Usteng sa ingles ay Saint Augustine. Natagpuan ito noong Pebrero 14, 1969 ni Mansignor Francisco V. Domingo na isang parish priest noong araw na iyon. Ang Saint Augustine School ay isang sectarian na kung saan ang mga katoliko lamang ang pwedeng pumasok. Nagbukas ito noong Hunyo 1969, Kinder at baitang uno palamang ang nakatayo noong araw na iyon hanggang lumipas ang mga taon at ang mga gusali ay nagsitaasan at nadagdagan  na ng primarya at nag karoon nadin ng secondary. Ang Saint Augustine School ay dating De Lasalle Supervised, dahil sa galling ng mga guro noong araw na iyon. Noong 1971 ang secondary ay naitayo at natapos noong 1972. Si Sr. Angeles Gabutina ang unang principal ng Saint Augustine School at nasunda ni Sr. Clemencia Ranin, noong umalis si Sr. Ranin ito ay pinalitan ni Sr. Matilde noong 1971. Si Sr. Ma. Leonora naman ay naging principal ng elementary sa taong 1972 hanggang 1973, hanggang siya ay napalitan ni Ms. Patrocinio  San Juan. Taong 1975 nagpahinga si Monsigor Francisco V. Domingo na isang pari at School Director ng Saint Augustine School  Tanza. Hanggang sa taong 1975 at 1976 may usap usapan na si Fr. Luciano Pangilinan ang magiging bagong director ng Saint Augustine School. Lumipas ang mga taon at si Mercedita Pacumio ang tumayo noong 1989 bilang School Direktor ng Saint Augustine at hanggang sa taon na ito. 

-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R. 
OP#3:SINTESIS

“Titser Annie”


 Ito ay kwento ng isang guro na si annie na laning apat na nagtuturo sa sityo labo, Mindoro Oriental. Siya isang guro ng mga mangyan sa labo elementary school. Mahigit dalawang oras ang kanyang nilalakbay bago siya pumunta sa kanyang  paroroonan, labing anim na ilog ang kanyang tinatawag makapag turo lamang sa mga mangyan. Hindi lamang si titser annie ang nagtuturo sa labo elementary school, dahil kasama niya ang co titser na si Kristel na nagtuturo ng baiting pang-apat hanggang baiting pang anim, habang si titser annie naman ay nagtuturo sa baiting pang una hanggang baitang pangatlo. Si Dina ang pinakamatandang tinuturuan ni titser annie sa edad na bente anyos ay nasa baitang panguna palamang siya dahil sa kahirapan at mahigit tatlong araw lang ang kanyang ipinapasok sa tatlong araw. Tinawag ng Department of education si titser annie dahil tapos na ang kanyang pagsasakripisyo sa sityo labo, subali itoy mabilis na tinanggihan ni titser annie dahil labis itong napamahal sa mga mangyan. Sa kwentong ito ditto natin makikita ang pag mamahal ng guro sa kanyang mga estudyante, dahil kaming mga estudyante ay humahanga din sa mga titser na nagsasakripisyo may matutunan lamang ang kanyang mga estudyante. Dahil sa kahit sa oras ng paghihirap hindi parin tumigil si titser annie sa pagmamalakasakit at pagmamahal sa mga mangyan.


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R. 
OP#2:ABSTRAK


“Dahon ng Pagpatibay”
(ABSTRAK)


                Ang pananaliksik na ito ay batay sa mga nais maging street sweeper o mas kilala noon sa tawag na camineros o caminera. Mababatid ditto kung ano ang mga pinagdaanan ng isang street sweeper o mas kilalang metro aid. Ang sinasabing  pananaliksik ay sumasailalim sa quantitative method at ginamitan ng non random convenient sampling  na kung saan ang mga respondent ay pinipili ng mananaliksik base sa convenience. Nangangahulugang lamang ito na hindi madali ang trabaho ng mga metro aied. Dahil mithiin ng mananaliksik ang bigyang halaga ang bawat nag tatrabaho na street sweeper. 


-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
OP#1:“Ang pagsusulat ay umiinog sa mga paksa, tema o tanong na binibigyang kasagutan ng magaaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw”

             Alam naman natin na sa isang pag sulat ay umiirog sa mga tema o mga tanong na bibigyang kasagutan ng isang mambabasa , maraming kailangan sa paggawa ng isang sulatin hindi na dapat gumagawa ng basta-bastang sulatin dahil may tama itong proseso at sinusunod. Bakit ngaba tayo gumagawa ng isang sulatin? para saan ba ito? Hindi ba tayo napapatanong?

             Gumagawa tayo ng sulatin upang malayang mailahad ang ating mga nalalaman at mga karanasan sa mambabasa at mahalagang malaman ng isang mambabasa ang kagandahan ng iyong sinulat. Sa paggawa ng sulatin natutuhan nating gamitin ang tamang tema, salita at bantas dahil sa kasanayan sa pag sulat at dapat nailalahad natin ng tama ang mga impormasyong ating nakalap halimbawa sa isang pananaliksik kailangan nating maghanap ng impormasyon na gusto nating  malaman at kailangan hindi kopyahin dahil may batas tayo na bawal kumuha ng impormasyong hindi ilalagay ang totoong may ari rito dahil ito ay "plagiarsm" sa isang sulatin kailangang malaman at  pahalagahan ang tema,paksa at mga  tanong upang malinawan ang mambabasa at mas maintindihan ito at sa isang sulatin mas magandang unang basa palang mapukaw na ang atensyon  o damdamin ng mambabasa dahil may mga sulating hindi pinapahalagahan and paksa at kalikasan nauulit ang mga salita kaya tinatamad ang ibang mambabasa pero kung maganda at detalyado ang iyong sulatin mas madali mong mapupukaw ang damdamin ng mambabasa.

           Bago tayo gumawa ng sulatin alamin muna ang mga konsepto at kailangan gamitin sa paggawa ng sulatin at kailangan ay detalyado at nakaad ang iyong mga nalalaman at karanasan. Gumagawa tayo ng sulatin upang mahikayat ang ibang mambabasa sa iyong mga naranasan.

-BATAIN, RENZ MICHAEL, A.

Miyerkules, Enero 17, 2018


Biomote


  • Si Ryan Tafalla ay tubong Rosario, Cavite siya ay nag aaral pala mang sa Saint Augustín Senior High School. Sya ay magtatapos nitong Abril 4 2018, Siya ay labing walong taong gulang, at sya ay pinanganak sa Rosario Cavite sya ay nag aaral bilang sea man. Nangangarap sya na makapag tapos ng pagaaral para makatulong sa magulang niya
''Ang pag sulat ay umiinog sa mga tema paksa o mga tanong na b ibigyang kasagutan ng mga mag aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran interes at pananaw"

Ang pag sulat ay isang paraan mailahad ang damdamin at kaisipan ng isang manunulat at dahil dito na ipapahayag nya ang kanyang ideya para sa maayos na makikipag ugnay sa mambabasa at para maraming mag basa nito.Ang pag sulat ay nag bibigayan intrepretasyon at pagtatalasan ng mga ideya. Para maisagawa ito kinakailangan mo ng karanasan, kaalaman at sariling paniniwala sa itong ginagawa at dahil sa mga bagay nato mabibigyanang buhay mo ang iyong sulatin at paramagustuhan ito ng mag babasasa nito ngunit bago ito magustuhan nila kinakailangan mo ng sapat na konsintrasyon sa iyong isusulat at para hinde ito naikot sa iisang bagay o isang pangyayari.Ang lag sulat ay hinde dapat sinusulat Kailangan mo ding itong basahin at para maunawan mo ang mga bagay na iyong isunulat mo. Para malaman mo ang mga bagay na dapat itama at dapat hinde kasama sa sulatin mo.




-RyanTafalla