Ang akademikong pagsusulat o sulatin ay isang intelektwal na pagsusulat. Ito ay madalas na ginagamit sa pag kokommunikasyon na ang tawag ay liham, pananaliksik at iba pa. Ito ay isang makabuluhang pag sasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ito din ay ginagamit upang magbatid ng mga impormasyon at saloobin sa kanyang ginagawang sulatin.
Ang akademikong pagsusulat ay isang mataas na kasanayan na sa pag susulat. Layunin ng akademikong pagsusulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin sa akademikong pagsusulat, dahil dito ay sineseryo ng mabuti, katulad ng ating ginagawa sa pananaliksik, kailangan natin ng basehan at kailangan din tama ang impormasyong ating inilalagay sa nilalaman sa sulatin. Nakadepende sa kritikal na pagbabasa ng isang indibidwal sa pagbuo ng akademikong sulatin. Ang layunin ng akademikong pagsusulat ay ang mailahad ng maayos ang kanyang sulatin at ang tema upang malinis itong mababatid ng makakakita.
Hindi lamang ang mga mag aaral, guro, at ang mga nakapagtapos ang maaring matuto ng akademikong pagsusulat kundi kahit sino, kahit hindi pilipino ay maaring matuto ng akademikong pagsusula. Dahil lahat tayo ay aplikado na matuto at kahit sino kayang matuto. Ito ay mahalagang pag aralan dahil makakatulong ito sa pag papalawak ng kaalaman at paghasa ng isipan.
-DE GUZMAN, PATRICK IVAN R.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento