Huwebes, Nobyembre 30, 2017

      Ang akademikong pagsusulat o sulatin ay isang intelektwal na pagsusulat. Ito ay madalas na ginagamit sa pag kokommunikasyon na ang tawag ay liham, pananaliksik at iba pa. Ito ay isang makabuluhang pag sasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ito din ay ginagamit upang magbatid ng mga impormasyon at saloobin sa kanyang ginagawang sulatin.


             Sa asignaturang Filipino nararapat na magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa pag sulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral ng iba't ibang larang akademiko dahil layunin nito na kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan na may layuining maitala ang mga mensahe na maaring makuha o mabigyang kahulugan ng sinumang may alam sa wikang ginagamit.

            Mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pag sulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral ng iba't ibang anyo ng larang akademiko dahil ito rin ang isang paraan ng pagsalin ng mga nabubuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang ating isipan. Ito din ang paraan ng paghubog ng damdamin at nang kaisipan ng tao. Sa pamamagitan nito ang aspeto ng ating kultura ay napapanatiling buhay sa pamamagitan nito. Nakatutulong din ito upang mas mapaayos ang mga inilalahad na ideya sa paraang ang pag sulat ay umiirog sa mga paksa, tema, o mga tanong na naiis mabigyan ng kasagutan tulad ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang interes at pananaw. Ito din ay mahalagang mapag-aralan ng bawat isa saatin dahil ito ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na ginagamitan ng simbolo at isinasalin gamit ang pepel at panulat.

         Sa aking opinyon, mahalagang matutunan natin ang paraan ng pagsulat para mas maisaayos at maiparating nang malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang dapat na nilalaman ng isang akademikong sulatin ay may simula ng karaniwang itroduksyn, gitna na nilalaman ng paliwanag at ang wakas.

                                                                                       LEYBA,  DIANNE JOY C.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento