Martes, Pebrero 27, 2018

OP#6 POETRY/TALUMPATI

MAGKAIBIGAN
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa
Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata
Sa bawat lihim na sulyap ay isang mahal kita na hindi mo nakuha
Di parin tanggap ang mga nakaguhit na linya

Nakakatawang isipin na walang kaalam alam
Na siya ang pinakaimportante sa buhay ko bukod sa pamilya ko
Ang inosente sa ngalan ng pag-ibig
Na sya's salarin sa pagbihag ng puso ko

Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan
Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit
Panaganip na sa pagdilat ko sana'y totoo
Pero hindi ako naniniwala sa hanggang dito nalang

Umaasa pa na sanay pwedeng humakbang
Nasa likod ko ang pader
At wala nakong iaatras pa dahil ako'y tao lang
At ang pag abante ang natitira kong galaw

Gusto kong humakbang kung anong meron tayo, meron nga ba?
Gusto kong higitan yung mga nagawa ko para sayo
Sana ako yung taong pinagbigyan mong magpapasaya sayo
Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat

Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat
Konting lapit ay luwas ng mabilis
Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating
Ilang luha ang naiyak mo na kailanman ay hindi manggagaling sa akin

At sa mga ngiti na sana ako ang sanhi
Hindi mo na napansin na ako'y nasaktan
Na habang buhay mag hihintay sa bakuran
At umaasa pa na sana'y pwede pang humakbang







-BATAIN, RENZ MICHAEL A.

OP#5 BIONOTE

                          Batain, Renz Michael A. Isinilang noong ika-dalawang put anim ng septiyembre taong 1999. Pangalawang anak nina Reysalino Batain at Marylinda Batain siya ay nagtapos ng elementarya sa florentino joya julugan elementary school. Sa kasalukuyan siya ay nasa ika-labing dalawang baitang ng saint augustine senior high school kumukuha ng science technology engineering and mathematics. Naghahandang kumuha ng entrance exam sa university of the east manila na may kursong computer engineering, hilig niya ang computer at magayos dahil masaya siya dito.Bukod dito hilig niya din ang pag babasketball, paglalaro ng ibang bagay at maglaro ng badmenton at magbasa ng mga libro tungkol sa mga bagay bagay.
                         Noong siya ay nasa ika pito hanggang sampung baitang ng hayskul naging parte siya ng arts club na kung saan ang mga estudyante ng paaralan ay aktibong nakikilahok sa mga event na nagaganap sa paaralan.
                         Pangarap niyang maging isang matagumpay na engineer dahil sa kagustuhan niyang makagawa at makatulong din sa kanyan pamilya at magkaron ng magandang kinabukasan at nais niyang makapagtapos ng kanyang pagaaral upang maipagmalaki din siya ng kaniyang magulang.









-BATAIN, RENZ MICHAEL A.
OP#4 Sintesis (Kronolohikal)

                        Ang paaralang Saint Augustine School ay ipinangalan sa santo ng Tanza,Cavite na si saint augustine na mas kilala na tata usteng. Ang layunin ng paaralang ito na makapag bigay ng isang kalidad ng pagtuturo at ang makakristyanong pang katoliko na edukasyon sa mga kabataan. Ang paaralan ng san agustin ay itinatag noong ikalabing apat ng pebrero taong isang libo siyam na raan at animnaput siyam. Itinatag ito ng dating pari ng tanza na si mosignor francisco v. domingo ang nais ng paaralang ito ay magkaroon ng edukasyon ng nakasentro sa ating panginoon. ito ay nagsimula sa maliit na klase hanggang sa lumaki at dumami ang pumasok dahil sa matagapumpay nlang pagtuturo at sa isang taon na ito nakapagtayo agad sila ng malaking komunidad at ang punong guro ng paaralang ito ay si ser angeles cabuting na sinundan ni Sr.Clemenia ranin natilde na pagkatapos nito ay pumalit naman si Sr.Maria Leonora bilang punong guro ng elementarya taong 1971 nagkaroon ng bagong taga pamahala ang paarang san augustin at yun ay si Fr.Luciano puguligan nang umalis si miss san juan ang pumalit sa kanya bilang punong guro ay si Fr.Corsie legaspi pagkatapos ng ilang taon ay pumalit si Sr.Terisita Octunio bilang punong guro na sinunduan naman ni miss villeta fernandez 1980. Pinalitan ni Rev.Fr.Teodoro bucalan and puwesto ng tagapamahala at si miss mercidita pacumio ang punong guro at sa pag lipas ng panahon nagkaron ng magandang edukasyon ang paaralang ito. At sa kasalukuyan at nakapag tayo ng pangalawang paaralan ang San Augustine na senior high school para sa mga taong gustong matuto at maraming malaman.





-BATAIN, RENZ MICHAEL A.