Lunes, Disyembre 4, 2017

Bakit mahalagang malaman ang kalikasab layunin at paraan ng pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulatin sa pagaaral sa ibat ibang larang akademik?

Sa mga nagdaang panahon ay unti-unting nagbabago ang paraan natin sa pagsusulat. At dito natin naipapahayag ang ating nararamdaman ginagamit natin ang pagsulat upang malaman ng ating mga mahal sa buhay at para malaman nila kung ayos lang ang iyong kalagayan. Sa pagsusulat ay maipapahayag natin ang ating nararamdaman.

Mahalagang malaman natin ang kalikasan,layunin at paraan ng pagsulat ng ibat-ibang anyo ng sulatin sa pagaaral sa ibat-ibang larang akademik. Dahilbilang isang manunulat ay kailangan mo rin malaman kung ano ang nais mong iparating na mensahe o impromasyon tungkol sa iyong isinulat at nang sa gayon ay mas layong maintindihan ng mga mambabasa ang akademik ay importante sa ating bayan para rin ito sa ating kinabukasan

Pagsulat ng ibat ibang uri o anyo. Dapat pagisipan ng maigi ang bawat mga susulatin at kailangan galing ito sa ating puso at isipan. Ito ay isinasaalang alang ng mabuti para sa ikabubuti ng magaaral at lalo pang mapahusay ito pagdating sa pagsusulat

-Marc Kenzo Zambrano

Linggo, Disyembre 3, 2017

Bakit mahalagang malaman ang kalikasan layunin at paraan pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulating ginagamit sa pagaaral ng ibat ibang rang akademik?

Ang akademikong pagsulat ay mahalaga upang malaman kung ano ang kahulugan nito. Ito ay mabisang malaman ng magsusulat para mayroon silang ideya kung paano ito gagawin.

May dalawang uri ng pagsulat at ito ay ang pormal at di pormal. Ang pormal ay nagsisimula sa introduksyon, gitna na nilalaman ng paliwanag at ang huli ay ang wakas. Ang di pormal ay ginagamit lamang sa ibat ibang uri ng pagsulat kagaya na lamang sa maikling pagsulat. Mahlagang malaman ang pagsulata hindi na lamang sa paggawa ng ideya kung paano ito mailalathala sa kwaderno.

Nailalarawan dito kung paano maipapadali ang pagsula at kung paano ito mabibigyan ng kahulugan gamit ang uring pagsulat. Ito ay mapapaunlad pa kung palalalimin pa natin ito sa paraan ng akademiko. Nakatutulong ito sa mga magaaral hingil lamang upang malinang ang kasanayan nila sa paggamit nito.

-Allen Jay V. Fernandez
"Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa ibat ibang larang akademik"

                       Ang pagsulat ay hindi na naiiba sa atin dahil elementarya hanggang hayskul ay natutuhan na natin ang pagsulat. Bakit nga ba mahalaga ang pagsulat? Para makapasa, o kaya para makakuha ng mataas na marka? Bakit nga ba kailangan nating malaman ang kahalagahan ng pagsulat.

                      Ang kahalagahan ng malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa ibat ibang larang akademik upang mapadali ang mga mag aaral. Dahil kung malalaman mo ang aspeto sa pagsulat mas mapapadali at maiintindihan mo ang mga bagay na hindi mo nalalaman. Ang pagsulat ay hindi na naiiba sa ating mga filipino dahil naging gawi na natin ito, sa paaralan man o sa ibang lugar. Mapapadali ito pag nalaman mo na ang kalikasan mas madali mong maiintindihan ang iyong sinusulat at lalawak ang iyong pag iisip sa pagsulat at magkakaroon ka ng ideya sa paggawa ng sulatin maaari kang mahirapan  at gumawa ng sulatin, subalit kung alam mo ang konsepto sa pagsulat mas mapapadali lamang sayo ang paggawa ng sulatin.

                     Ang Pagtuturo ng kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ay mahalaga dahil sa isang bagay kapag may kulang hindi ito mabubuo at hindi ka makakagawa ng isang bagay kapag may kulang kaya mahalagang may ideya sa lahat bago gumawa.
 



                                                                           -BATAIN, RENZ MICHAEL, A.